A monthly newsletter of the

Biotechnology Information and Organization Network

Maiden Issue  n  September 2007

.

Kursong Biotek para LGUs inilunsad

Ni IAN GO

ISA na namang tagumpay ang nakamit ng Programang Biotek ng Department of Agriculture (DA)matapos nitong ilunsad ang una sa serye ng Facilitators’ Training Workshops hinggil Kursong Biotek para sa Lokal na Pamamahala.

Ginanap kamaikailan ang dalawang-araw na “pilot-test” ng Kursong Biotek para sa Lokal na Pamamahala sa Mayors’ Development Center (MDC) Training Hall sa Cubao, Quezon City na dinaluhan ng 10 kinatawan mula sa mga iba’t ibang probinsya na nagpalitan ng kaalama’t opinyon upang makalikha ng mas magandang kinabukasan sa pamamagitan ng biotek at mga aplikasyon nito sa kanayunan.

Ang Kursong Biotek para sa Lokal na Pamamahala na tinaguriang “Harnessing the Power of Life,” ay bunga ng pagtutulungan ng Programang Biotek ng Kagawaran ng Agrikultura at MDC ng League of Municipalities of the Philippines (LMP)."

Ginawang institusyon ng LMP and MDC noong 2005 at tinanghal na sentro ng inobasyon at kagalingan sa local na pamamahala hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong Asya-Pasipiko. Nagsisilbi itong pangunahing institusyon sa larangan ng pamamahala sa mga munisipalidad.tc "Ginawang institusyon ng LMP and MDC noong 2005 at tinanghal na sentro ng inobasyon at kagalingan sa local na pamamahala hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong Asya-Pasipiko. Nagsisilbi itong pangunahing institusyon sa larangan ng pamamahala sa mga munisipalidad.

Ang Kursong Biotek para sa Lokal na Pamamahala ay naglalayong ipakilala ang biotek at mga potensyal nitong kontribusyon sa pagpapaunlad ng mga local na komunidad.  Sa kursong pinasimulan ng DA sa tulong ng International Service for the Acquisition of Agri-biotech Applications (ISAAA) at  J.Burgos Media Services Inc. ay ipinakikilala ang konsepto ng “distance learning.”

Ayon kay Edicio dela Torre ng Education for Life at consultant sa pagbubuo ng kurso, ito ay idinesenyo upang tulungan ang mga lokal na pamahalaan na lalong linangin ang mga potensyal ng mga aplikasyon ng bioteknolohiya sa kanilang nasasakupan, na posibleng magbigay-daan upang mapasama ang biotek sa lokal na pamumuhunan at programang pangkaunlaran.

Ayon naman kay Gerardo Calderon, secretary general ng LMP at pangulo ng MDC, “mahalaga ang biotek sa pagtugon sa isyu ng kahirapan, pagkagutom at kaunlarang pantao, lalo na sa kanayunan.”

“Gayunpaman, ang mga kampanya sa adbokasiya, edukasyon, at  impormasyon ay nananatiling napakahalaga sa pagsusulong at pagtanggap sa mga bunga ng biotek sa bansa,” aniya.

Ang mga isyu at suliranin na tutukoy kung magtatagumpay o mabibigo ang mga aplikasyon ng bioteknolohiya sa agrikultura ay isa sa mga paksang tututukan sa Kursong Biotek. Ang kurso ay nakasentro sa pagtugon sa mga isyung mahalaga sa mga lokal na opisyal kabilang ang kanilang mga agam-agam at mga hamong maaari nilang suungin upang paganahin ang biotek sa mga lokal na programa.

Ang tatlong modyul ng kurso– “The Power of Biotech, The Power of Innovation, at The Power of Public-Private Partnerships” – ay tatalakayin ang mga isyung pinakamahalga sa mga nagpapatupad ng mga programang agrikultural sa mga lokal na pamahalaan.

Sa pagsibol ng rebolusyong biotek, ang DA at MDC, sa tulong ng nasabing kursong pangsanay hinggil sa Biotek para sa Lokal na Pamamahala, ay umaasa ng suporta mula sa mga lokal na pamahalaan para sa biotek, hindi lamang bilang isang kontrobersyal na teknolohiya, kundi bilang isang teknolohiyang may potensyal na painamin ang buhay ng mga mamamayan, lalo na ang mga maliit na magsasaka sa kanayunan.

Ang susunod na hakbang sa pagbubuo ng programa ay ang “pilot-testing”  ng kursong pangsanay na Biotek para sa Lokal na Pamamahala sa mga piling lokal na pamahalaan kung saan ang mga punongbayan mula sa iba’t ibang siyudad at munisipalidad ay aanyayahan bilang mga magsisipagsanay.

Gaganapin ito sa Setyembre  sa Dumaguete City sa Negros Oriental at  nilalayon ng programa na dalhin sa mga alkalde ang kursong pangsanay na idinisenyo upang isulong ng mga punongbayan ang biotek sa kanilang mga lugar para sa pagpapunlad sa kanilang lokalidad.

Matatag ang paniniwala’t suporta ni Calderon sa mga aplikasyon ng agri-biotek at iginiit na, “sa pamamagitan ng ating pagpupunyagi, umasa tayo na makakatagpo o makakukumbinsi tayo ng mga mamayang gagamitin ang biotek bilang makinarya para sa pag-unlad ng ating bansa.”

Back to top

Biotech drive broadens

BIOCommerce to perk up agriculture

BIONET Fact Sheet

Kursong Biotek para LGUs inilunsad

Editorial

Get Organized

Columns

Dr. Gaudencio C. Petalcorin, Jr.

Alicia Ilaga

Dr. Vivencio Mamaril

Directory

 

 

 


BIONet Pilipinas is published monthly by the Biotechnology Information and Organization Network
in cooperation with the Biotechnology for Life Media and Advocacy Resource Center with editorial offices
at The Advocacy House, No. 8 Scout Chuatoco St., Roxas District, Quezon City. Telefax (02) 4137293
and (02)3728560. Email address:
bionetpilipinas@gmail.com
.