A monthly newsletter of the

Biotechnology Information and Organization Network

October 2007

.

BIONet sa taumbayan

TONG mga nakalipas na dekada, dalawa lang ang itinuturing pundasyon kung saan nakasalalay ang tagumpay ng anumang alituntunin, programa o teknolohiya. Ito ang ating pamahalaan at syempre, ang taumbayan.

Sa maraming dahilan, isa na rito ang aktibong pakikilahok ng lahat ng gumaganap sa lipunan, nakita ang pangangailang himayin ang ginaganapang papel, ‘di lang ng taumbayan kundi ng bawat sektor sa ating lipunan.

Dahil rito, napalawak ang dami ng mga sektor at nabigyang diin ang mahalagang papel nila sa lipunan sa pagsulong ng mga pagbabago.

Hindi dapat minamaliit ang  papel na ginagampanan ng bawat sektor  na binubuo ng iba’t ibang mga organisasyon o institusyon, tulad ng mga samahan sa pamayanan, simbahan, paaralan, pamahalaan at ang grupo sa pagtulak ng mga bagong  teknolohiya.  Ito’y para maisulong ang mga pagbabago at malutas ang maraming suliranin na kinahaharap ng lipunan.

Bagama’t ang bawat sektor ay may kani-kaniyang mithiing gustong makamit, higit na epektibo ang papel nila sa lipunan kung sila ay magkakabigkis-bigkis at kikilos  tungo sa isang maliwanag na layunin.

Ito ang dahilan kung bakit naisulong ang Biotechnology Information and Organization Network o BIONet.    Malaki at mahalaga ang papel ng mga BIONet sa pagpapalaganap ng bioteknolohiya, lalong-lalo na sa kabutihang idudulot nito sa agrikultura.

Ngunit ‘di  madali ang pagbubuo ng isang malawakang organisasyon tulad ng BIONet. Kinakailangan na ang mga iba’t-ibang samahan o sektor na pumapaloob dito  ay may malalim na komitment, buong tatag na sumusuporta sa mga adhikain at panuntunan nito at higit sa lahat matibay ang pagsuporta sa mga programa nito.

Napakaaga pa para sabihing ang BIONet ay naabot na ang mataas na antas ng pagiging isang epektibong samahan na nagsusulong  ng bioteknolohiya.

Noong ika-2 ng Abril 2007, naganap ang First BIONet National Congress upang konsultahin ang mga kinatawan ng  iba’t-ibang sektor at alamin ang mga hakbangin tungo sa isang epektibo at matagumpay na organisasyon.

Nabuo nga rito ang isang BIONet Council na magsisilbing mekanismo para makapagbigay ng makabuluhang liderato. Sa pamumuno ng  bagong tatag na konseho, inaasahang mabibigyan ng tamang direksiyon—at hubog— ang kabuuang BIONet.

Higit sa lahat, ang daan-daang mga kasapi ng BIONet sa mga probinsyang nasasakupan nito ay maari nang maisulong ang mga layunin ng pagpapaunlad ng bioteknolohiya sa ating bansa at makatulong sa ating agrikultura.

Dahan-dahan nang tinatalakay na ng BIONet Council sa pamumuno ni Dr. Gaudencio Petalcorin ang mga pamamaraan upang matugunan ang tunay na layunin ng BIONet.

Ang lahat ng ito’y nagsisimula sa isang maliwanag  na layunin para sa lahat, pagkilala sa mga suliranin na kinahaharap at mga gawain at pangangailangan upang magampanan ang mga gawain ng BIONet.

Ang mga ito ang tulung-tulong na mag-aahon sa kahirapan sa nakararami nating mga kababayan at mabibigyan ang bawa’t pamilya ng pang-araw-araw na makakain sa kanilang hapag-kainan.

Si Nanet Tanyag ang Deputy Executive Director ng Biotechnology for Life Media and Advocacy Resource Center.

Back to top

Biotech 'go' na sa mayors

Malunggay agri-business program gets boost

UPLB revives plan to establish biotech network

GMO products as safe as non-GMOs, expert says

Editorial

Mayors join biotech bandwagon

Columns

Dr. Gaudencio C. Petalcorin, Jr.

Alicia Ilaga

Nanet Tanyag

Directory

Archives

September 2007

 


BIONet Pilipinas is published monthly by the Biotechnology Information and Organization Network
in cooperation with the Biotechnology for Life Media and Advocacy Resource Center with editorial offices at The Advocacy House, No. 8 Scout Chuatoco St., Roxas District, Quezon City.
Telefax (02) 4137293 and (02)3728560. Editors: Nanet Tanyag, Enrimand Dejeto and June Rodriguez.
Email address:
bionetpilipinas@gmail.com. Website:
www. biotechforlife.com.ph