|
||
|
November 2007 |
||
|
. |
||
|
BIONet laganap na sa buong bansa
Sa ngayon, umaabot na sa 10 rehiyon sa bansa at humigit-kumulang sa 20 lalawigan ang mga kasapi sa BIONet. At patuloy ang pagdami ng mga kasapi at paglaki ng organisasyon ng BIONet sa buong Pilipinas. Kamakailan lamang ay nadagdag sa listahan ng BIONet ang grupo ng mga lokal na opisyal at magsasaka sa lalawigan ng Camarines Norte at Camarines Sur. Ang pagbuo ng network sa usaping pagpapaunlad ay isang istratehiyang ginagamit ng sa gayon ay magkaroon ng epektibo at makabuluhang pamamaraan upang ang lahat ng iba’t-ibang grupo ay magkasundo at ang anumang kakayahan at resources mayroon ang bawat isa ay pwedeng gamitin ng lahat para sa iisang mithiin. Ang network ay isa ding pamamaraang upang ang mga kasapi ay aktibong makasali at makabahagi sa mga programa nito. Sa kadahilanang ang isang network ay binubuo hindi lamang ng mga indibidwal ngunit higit sa lahat mga iba’t ibang grupo at sektor ng lipunan, mas madali ang pagpapatupad ng mga gawain ng network, mas mabilis ang daloy ng mga impormasyon at resources at mas tumpak ang pagpapalaganap ng mga kabutihan ng mga programa at serbisyong taglay ng network. Wika nga sa isang simpleng kasabihan, "cheaper by the dozen." Bagaman masasabing malaki pa ang kulang para maipagmalaki ang kakayahan ng BIONet, maituturing na matibay ang pundasyon ng pagkakatatag nito. Una sa lahat, may maliwanag na mithiin at batayan ng pag-kakaisa ang lahat ng mga indibidwal at sektor na sumapi sa BIONet. At upang ipakita ang kanilang pagkabuklud-buklod, sila ay lumagda sa kasunduan para sa kaunlarang pangkabu-hayan at pang-agrikultura sa pamamagitan ng bioteknolohiya. Ang ibig sabihin, ang BIONet ay handang makipag-isa upang makamit ang masaganang ani, mataas na kalidad at halaga ng mga pananim, seguridad sa pagkain at higit sa lahat, hanapbuhay. Pangalawa, may istraktura ang organisasyon ng BIONet na pinangungunahan ng isang konseho na syang gagabay at magpapatakbo nito. Ang mga opisyales ng konseho ay pawang mga propesyunal at kumakatawan sa mga iba’t ibang sektor na bumubuo sa BIONet. Ang BIONet council ay pinangu-ngunahan ni Dr. Gaudencio Petalcorin, ang vice-president for academic affairs, research and extension ng Northern Mindanao Institute for Science and Technology na nakabase sa Butuan City. Isang patunay din na ang BIONet ay nag-umpisa nang bumulusok sa programang bioteknolohiya ay ang pagkakatatag ng bagong Malunggay BIONets sa mga lalawigan ng Agusan del Norte, Camarines Sur at Camarines Norte. Nagpakita ang mga kasapi ng malunggay BIONet ng kanilang kahandaan at kagustuhan na isulong ang pagtatanim ng libu-libong ektarya pananim na malunggay para naman sa isang tinatawag na BIOCommerce. Pangatlo, may mga programang binalangkas ang BIONet upang makamit ang mga mithiin at layunin nito. Malinaw na nakasaad sa by-laws kung anu-ano ang mga programa ng BIONet. At bilang isang information network, ito ay makikipagtulungan sa pagbuo ng BIONet Resource Center na magsisilbing ‘nerve center’ ng lahat ng impormasyon at resources tungkol sa bioteknolohiya. Ang tatlong mahahalagang elemento ng matibay na organisasyon na nabanggit ay naisagawa sa aktibong partisipasyon ng mga kasaping dumalo sa First BIONet Congress na ginanap nung Abril 2, 2007 sa Balay Kalinaw, UP Diliman sa Quezon City. Lubhang napakadali ang pagbuo ng isang network tulad ng BIONet kung ang batayan ay ang mga layunin nito. Sino ang hindi mag-nanais na matugunan ang kahirapan lalo na sa kanayunan sa pamamagitan ng kabutihang ibibigay ng bioteknolohiya? Sino ang hindi magnanais na madagdagan ang ani at kita? Sino ang hindi magnanais na magkaroon ng hanapbuhay sa pamamagitan ng mga makabagong teknolohiya? Sa madaling salita marami ang gustong sumali dahil marami ang kabutihang dala ng bioteknolohiya. Ngunit ang tanong ay – ang mga kasali ba o ang mga gustong sumali ay tunay na handang makipagtulungan sa pagpapatupad ng mithiin at layunin ng BIONet? Marami nang programang pang-agrikultura ang pamahalaan sa mga nakalipas na panahon ang pawang bumagsak at ang isa sa pinakamabigat na kadahilanan ay ang hindi pagkilala sa kakayahan ng mga taumbayan o ng mga magsasaka mismo. Kaya noong mga panahong iyon, ang anumang programa ng pamahalaan ay tinitingnan ng mga mahihirap na mamamayan na abuloy sa kanilang kahirapan. Ngunit ngayon sa partisipasyon ng halos lahat ng sektor ng lipunan, malaki at maliit na sekor, mayayaman at mahihirap na indibidwal at organisado at di-organisadong grupo sa loob ng BIONet, malaki ang pag-asa na ang bioteknolohiya ay isang sagot sa pag-unlad ng ating agrikultura. Si Nanet Tanyag ang Deputy Executive Director ng Biotechnology for Life Media and Advocacy Resource Center. |
Taunang Biotech Week itinakda nga Pangulo 3rd J. Burgos Awards honor scribes specializing on biotech reporting Malunggay tinanghal na "gulay ng buhay" sa Caraga Camarines provinces join biotech bandwagon, forge partnership for Malunggay production Mga alkalde sa Kabikulan, nakiisa laban sa kahirapan gamit ang biotek Editorial Columns Dr. Gaudencio C. Petalcorin, Jr. Nanet Tanyag Archives
|
|
|
|
||
|
BIONet
Pilipinas
is published monthly by the Biotechnology Information and Organization
Network in cooperation with the Biotechnology for Life Media and Advocacy Resource Center with editorial offices at The Advocacy House, No. 8 Scout Chuatoco St., Roxas District, Quezon City. Telefax (02) 4137293 and (02)3728560. Editors: Nanet Tanyag, Enrimand Dejeto and June Rodriguez. Email address:bionetpilipinas@gmail.com. Website: www. biotechforlife.com.ph |
||
|
|
||