|
||
|
November 2007 |
||
|
. |
||
|
Taunang Biotech Week
IPRINOKLAMA ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang huling linggo ng buwan ng Nobyembre bilang pagdiriwang ng taunang National Biotechnology Week. Ang Proclamation No. 1414 ay inindorso ng pitong Kalihim ng Gabinete sa pangunguna ni Secretary Arthur Yap ng Kagawaran ng Agrikultura. Binuo din ng pangulo ang National Biotechnology Week Committee na paghahatian ang pamumuno ng Kalihim ng Department of Agriculture (DA), ang pangunahing tagapanukala ng proklamasyon at ng Kalihim ng Department of Science and Technology (DOST).
Binigyang-pansin sa pag-endorso ang matagumpay na pagpapatupad ng National Biotechnology Week noong 2005 at 2006, na pinatayog ang katayuan ng bansa bilang isa sa mga "mega countries" na gumagamit ng biotechnology bilang isa sa mga paraan para sa kaunlaran. Kaugnay nito, kinilala din ang Pilipinas bilang isang huwaran sa larangan ng "biosafety regulations." Hulyo idinaos ang ng unang dalawang g National Biotechnology Week. Ang modernong bioteknolohiya ay may mahalagang aplikasyon sa agrikultura, kalusugan, kapaligiran, pagpapatupad ng batas sa pamamagitan ng "DNA analysis" at kaparehong mga "DNA technologies" at sa larangan ng industriya. "Biotechnology sustains increased crop yields and farm productivity, and enhances the quality, value, and suitability of crops for food and other uses that are complementary to modern agriculture," nakasaad sa proklamasyon. Kinilala din dito ang mga "breakthroughs in human health care," at milyong mamamayan na ang nakinabang sa pamamagitan ng mga bakuna, antibiotics at iba pang gamot "that cannot be made in any other way," ayon pa sa proklamasyon. Ang biotechnology ay binigyan din ng rekognisyon bilang isa sa mga paraaang makatutulong sa mabilis at patas na pagpapatupad ng batas sa pamamagitan ng "forensic DNA analysis" at katulad na mga teknolohiya. Kamakakailan lamang ay naglabas ang Korte Suprema ng kautusan hinggil sa DNA analysis. Samantala, binigyang-pansin ni Pangulong Arroyo ang mga benepisyong dulot ng biotechnology sa kapaligiran, kabilang dito ang pangangalaga sa kalidad ng inuming tubig, pagpe-preserba sa "topsoil," pagpapainam sa waste-management techniques, pagbawas sa paggamit ng mga kemikal na pestisidyo, produksyon ng "renewable energy," at mga produktong buhat sa biotechnology at mas malinis na "manufacturing processes." Ang proklamasyon ay inaasahang magdudulot ng ibayong pakinabang sa mga industriyang nakabatay biotechnology sa Pilipinas sa pamamagitang ng isang linggong "advocacy campaign through the recognition of their significant public contribution," ani Yap. Ayon naman kay Pangulong Arroyo, pinabibilis ng biotechnology ang pag-unlad ng mga aplikasyon sa medisina, agrikultura, teknolohiya at pang-kapaligiran at kinakailangang lumaganap sa ang kaalaman at pagkaunawa sa biotechnology ng mga mga mamamayan. |
Taunang Biotech Week itinakda nga Pangulo 3rd J. Burgos Awards honor scribes specializing on biotech reporting Malunggay tinanghal na "gulay ng buhay" sa Caraga Camarines provinces join biotech bandwagon, forge partnership for Malunggay production Mga alkalde sa Kabikulan, nakiisa laban sa kahirapan gamit ang biotek Editorial Columns Dr. Gaudencio C. Petalcorin, Jr. Archives
|
|
|
|
||
|
BIONet Pilipinas
is published monthly by the Biotechnology Information and Organization
Network |
||
|
|
||