|
||
|
May 2008 |
||
|
. |
||
|
Pribadong sektor dapat
SA iba’t-ibang sektor ng ating lipunan na siyang bumubuo ng BIONet, ang pribadong sektor ang may pinaka-malaking papel na gagampanan upang maging matagumpay ang BIONegosyo. Ang papel na ito ay dapat na maging inisyatibo mismo ng pribadong sektor, at hindi ipilit sa kanila. Ang pribadong sektor ay kinabibilangan ng mga magsasaka higit sa lahat, mga negosyante, kababaihan, consumers at manggagawa sa mga processing plants at iba pa. Ang karanasan ng taumbayan sa maraming programa ng pamahalaan na hindi nagtagumpay maraming taon na ang lumipas ang makakapagsabi na nagkaroon ng hindi pagpapahalaga sa papel ng pribadong sektor. Nariyan din ang kaso ng pagpa-patayo ng maraming dendrothermal power plants sa ibat-ibang lalawigan na papatakbuhin dapat ng kahoy mula sa libo-libong hektarya ng plantasyon ng ipil-ipil. Wala ni isang planta ang umandar bagama’t libo-libong hektarya ng kalupaan ang nataniman na ng ipil-ipil. Ang isa sa pangunahing kadahilanan ay ang pagkukulang ng pamahalaan na ilagay sa pormula ng tagumpay ang papel ng pribadong sektor. Noong mga panahong yaon inangking solo ng pamahalaan ang paglutas sa malaking suliranin sa enerhiya at parang kaning isinubo sa mga magsasaka ang tenolohiya sa pagtatanim ng ipil-ipil. Kaya nga paglipas ng ilang taon sinunog ang mga plantasyon, ninakaw ang mga tanim at kalaunan nawala ang plantasyon. Ang mga planta naman ay naging mga white elephants, ‘ika nga. Malaki ang pagkakaiba sa paraan ng paglutas sa suliraning pareho lang naman. Tatlo lamang ang pangunahing putahe sa solusyon sa problema nuong dekado otsenta – ang pamahalaan na may hawak ng teknolohiya, mga kooperatiba ng elektrisidad, mga magsasaka at ang Amerika na nagpapautang sa pamamagitan ng mga institusyon nito tulad ng USAID. Nakalimutan na ang pribadong sektor na binubuo rin ng iba’t-ibang grupo ay malaki ang pwedeng gampanang papel. Bagama’t hindi inaalis ang papel ng pamahalaan sa pag-aayos ng problema hindi pa rin natuto ito na mas magiging epektibo ang kanyang gagawin kung ito ay magbibigay puwang sa isang maaliwalas na kapaligiran na kung saan ang pribadong sektor ay makakagalaw ng libre para puwede itong makakilos tungo sa ikapagtatagumpay ng programa. Sa panahon ngayon ng sabay-sabay ang problema ng ating bayan sa pagkain, pagbabago ng klima at pagkukulang sa pagkukunan ng enerhiya, nasa tamang direksyon ang pamahalaan sa pagbibigay-pansin sa bioteknolohiya para maging isang solusyon at sa ginagawa nitong paraan na bigyan ng malaking papel ang pribadong sektor. Ang pag-oorganisa ng mga BIONet sa buong bansa ay isang indikasyon na nasa tamang landas ang BIOnegosyo. Dahil ang BIONet ay binubuo ng ibat-ibang sektor na may kanya-kanyang papel na gagampanan ng bawat isa upang maging matagumpay ang adhikain. Si Nanet Tanyag ang Deputy Executive Director ng Biotechnology for Life Media and Advocacy Resource Center. |
'Simple lang ang malunggay ngunit dapat maalaga sa pagtatanim' DepED, pinagtatanim ng malunggay ang mga paaralan Bioethanol mula sa tira ng palay at paggamit ng anay Kailangan ang suporta sa abaca Editorial Columns Dr. Gaudencio C. Petalcorin, Jr. Nanet Tanyag Archives
December 2007 |
|
|
|
||
|
BIONet
Pilipinas
is published monthly by the Biotechnology Information and Organization
Network in cooperation with the Biotechnology for Life Media and Advocacy Resource Center with editorial offices at The Advocacy House, No. 8 Scout Chuatoco St., Roxas District, Quezon City. Telefax (02) 4137293 and (02)3728560. Editors: Nanet Tanyag, Enrimand Dejeto and June Rodriguez. Email address: bionetpilipinas@gmail.com. Website: www. biotechforlife.com.ph |
||
|
|
||