A monthly newsletter of the

Biotechnology Information and Organization Network

May 2008

.

Bukas na isip susi sa pagsulong ng biotek

MALAYO na ang narating ng ating adbokasiya kaugnay sa pagtatanim ng malunggay.

Katunayan, labing-anim na komunidad na sa siyudad ang napagkalooban natin ng mga libreng buto ng tinaguriang power gulay, ang malunggay.

Sa ngayon, sunod-sunod ang pagtutol ng nakararami sa pagsusulong ng Biofuels Law dahil sa mga paniniwalang makakaapekto ito sa pangmatagalang supply ng pagkain sa bansa.

Karamihan sa mga tutol, sinasabing kung lahat ng mga maaring kainin ay ang siyang pagkukunan ng alternatibong krudo para sa mga sasakyan—paano na lang ang mga kumakalam na sikmura ng karaniwang Pilipino?

Pero may sagot ang bioteknolohiya sa problemang ito—at oo, ito na nga ang malunggay.

Ito ay isang halaman na maaring pagkunan ng alternatibong langis ang maaring maging biofuel at pagkain na rin.

Bilang biofuel, ang buto ng malunggay ay nagtataglay ng 40 % langis.

Ang isang kilo ng buto nito ay maari ng makapagbigay ng may 400 milliliters ng langis na pwedeng pangluto at biodiesel.

Ang isang kumpanya sa Amerika, ang North American Biofuels Incorporated mismo ay mas piniling angkatin ito.

Bilang pagkain, siksik din sa sustansya ang malunggay. Ang dahon nito ay may taglay na bitamina C na pitong beses na mas marami kaysa sa prutas na dalandan.

Apat na beses na mas marami rin ang taglay na calcium ng malunggay kumpara sa gatas, 75% higit na siksik ito ng iron kaysa sa spinach at 400 % mas puno bitamina A kaysa sa carrot.

Triple din ang potassium na taglay ng malunggay kumpara sa saging.

Katunayan, mainam rin ang tuyo o dried malunggay dahil mas marami itong taglay na micronutrients.

Kaya nga uso ngayon ang sari-saring pagkain na may halong malunggay tulad ng noodles, sarsa, tinapay, biskwit, burger at hotdog.

Patok din sa mga bata ang malunggay tea, kaya’t di kalauna’y gagawa na rin ng malunggay juice para maibenta sa merkado.

Tunay ngang ito na ang pinakamagandang natural ingredient na maaring makaresolba sa debate ng Biofuels Law sa ngayon.

At ang pinakamaganda pa rito, di tayo magkukulang sa supply dahil likas sa ating mga sakahan ang power gulay na ito!

Alicia Ilaga is the Director of the DA Biotechnology Program Office (BPO) and is also the Vice-President for Luzon of BIONet.

Back to top

'Simple lang ang malunggay ngunit dapat maalaga sa pagtatanim'

DepED, pinagtatanim ng malunggay ang mga paaralan

Bio-N Congress ginanap

Bioethanol mula sa tira ng palay at paggamit ng anay

Kailangan ang suporta sa abaca

Editorial

Tungo sa mainam na buhay

Columns

Dr. Gaudencio C. Petalcorin, Jr.

Alicia Ilaga

Nanet Tanyag

Directory

Archives

September 2007

October 2007
November 2007

December 2007
January 2008
February 2008
March 2008
April 2008

Membership Form


BIONet Pilipinas is published monthly by the Biotechnology Information and Organization Network
in cooperation with the Biotechnology for Life Media and Advocacy Resource Center with editorial offices at The Advocacy House, No. 8 Scout Chuatoco St., Roxas District, Quezon City.
Telefax (02) 4137293 and (02)3728560. Editors: Nanet Tanyag, Enrimand Dejeto and June Rodriguez.
Email address:
bionetpilipinas@gmail.com. Website:
www. biotechforlife.com.ph