|
||
|
May 2008 |
||
|
. |
||
|
Editorial Tungo sa mainam na buhay ANG paglaganap ng kaalaman sa kahalagahan ng malunggay bilang pagkain at biofuel, gamot at panustos sa kabuhayan ay nagbigay ng dagdag na alab sa kasalukuyang kampanya upang gamitin ito bilang suhay sa buhay ng milyun-milyong mamamayang Pilipino. Mula sa Batanes hanggang Tawi-Tawi ay malakas ang pangangailangan sa malunggay dahil sa ito lamang sa lahat ng puno o gulay sa bansa ang walang tapon. Mula sa ugat hanggang sa tuktok nito ay may gamit. Dahil sa kakaibang katangian nito, marami na ang namamangha na ang malunggay pala ay bukal ng yaman at susi na rin sa mainam na kalusugan. Hindi lamang ito ginagamit ngayon bilang pambakod o pagtatakda ng laki ng sukat ng bawat lupa. Ito ay matagal na ring panggamot sa sakit ng tiyan sa Ilocos at ang buto nito ay sinisipsip upang mawala ang sakit sa kasu-kasuan, sa tuhod at sa mga daliri, gaya ng carpal tunnel. Ang dahon ng malunggay ay habampanahong ginagamit sa Kabisayaan at Kamindanawan bilang sahog sa sopas, at ang mga bitamina at ibang sustansya nito ay sinasabing nagpapatatag sa tibay ng bituka at dibdib ng napakaraming manlalaro, kasama na ang boksingerong si Manny Pacquiao. Sa Luzon naman ay palasak ang paggamit sa dahon ng malunggay sa tinola, kapalit ng dahon ng sili at ito rin ay sinasama sa halos lahat ng uri ng ginataang gulay. Ngayon ay napakaraming recipes na ang hinahaluan ng malunggay. Laganap na ang interes ng mga mamamayan sa malunggay at tanggap na rin ng napakaraming tao na upang lumawig ang buhay, malunggay ang kailangan. Hindi na rin lingid sa lahat na ang malunggay ay maaari na ring gawing biofuel at ang buto nito ay pinagkukunan na rin ng active ingredients para sa ilang uri ng gamot at pati na rin kosmetiko. May ilan din namang sustansya ang malunggay bukod sa iron, zinc, vitamin A, C at E na tinitingnan bilang panlaban sa kanser at pampatibay ng tuhod. Mula sa India ay may pag-aaral na rin na nagpapatunay na ang mga mag-asawang hindi pa binibiyayaan ng anak ay maaaring kumanin ng malunggay upang makamit ang kanilang inaasam. Lahat ng ito ay nagbabadya na malaki ang magiging tantos ng malunggay sa kapakanan ng bawat nag-aalaga ng power gulay na ito. Sa kasalukuyan ay lumalaki na ang pangangailangan ng buong daigdig sa malunggay at ang landas na bukas para sa ating mga kababayan ay higit pang magpalawak ng mga taniman ng malunggay at payabungin ang produksyon ng dahon, buto at bunga nito, Wasto ang tinuran ng mga unang nagtulak ng pagtatanim at pag-ani ng malunggay. Ito ang landas tungo sa mainam na buhay. |
'Simple lang ang malunggay ngunit dapat maalaga sa pagtatanim' DepED, pinagtatanim ng malunggay ang mga paaralan Bioethanol mula sa tira ng palay at paggamit ng anay Kailangan ang suporta sa abaca Editorial Tungo sa mainam na buhay Columns Dr. Gaudencio C. Petalcorin, Jr. Archives
December 2007 |
|
|
|
||
|
BIONet
Pilipinas
is published monthly by the Biotechnology Information and Organization
Network in cooperation with the Biotechnology for Life Media and Advocacy Resource Center with editorial offices at The Advocacy House, No. 8 Scout Chuatoco St., Roxas District, Quezon City. Telefax (02) 4137293 and (02)3728560. Editors: Nanet Tanyag, Enrimand Dejeto and June Rodriguez. Email address: bionetpilipinas@gmail.com. Website: www. biotechforlife.com.ph |
||
|
|
||