|
||
|
May 2008 |
||
|
. |
||
|
Payo ng mga eksperto
‘Simple
lang ang malunggay ngunit Ni JOEL C. PAREDES TULAD ng marami sa atin, naisip ni Dr. Irene Adion ng Department of Agriculture (DA) sa Tarlac na simple lang naman talaga ang pagtatanim ng malunggay. Kaya’t nang siya ay maatasan ng DA-Biotech Program na pangunahan ang pananaliksik sa wasto at tamang pamamaraan ng pagpalago ng mga halamanan ng malunggay natuwa siya.
Dahil sa taglay na protina ng malunggay, maganda rin itong pagkain ng mga hayop na gaya ng kambing at tupa at ang buto nito ay puwede ring pagkunan ng langis na maaaaring gamitin para sa biofuel. Bukod dito, ang paniwala nga ni Adion at ng marami ay simple at madali lang ang pagpapalago ng naturang halaman. ‘Di niya naisip noong una na mahirap ang itinakdang gawain para sa kanilang Research Outreach Station sa Barangay Paraiso sa Tarlac City na kaniyang pinamumunuan. At siyempre, dahil marami na nga ang nagbabalak magtayo ng kanilang malalaking plantasyon ng malunggay, mainam din na magkaroon na talaga ng proper guidelines mula sa pamahalaan. Siya’y nabigla nang hirap tumubo ang mga itinanim niyang buto sa pitong ektaryang lupain nong Agosto sa kanilang research center. Dati-rati ang paniniwala niya, basta itanim mo ang buto kusang lalago na ito. Ang nangyari, mahirap pala ang diretsong pagtatanim ng malunggay sa lupa. At nang mga panahong ‘yon ay tag-ulan pa at ang malunggay ay sensitibo sa daloy ng tubig-ulan. Dahil nga rito , nagdesisyon si Dr. Adion at ng kaniyang pangkat sa Malunggay Research and Production Project na ulitin ang proseso at simulan sa pagpupunla ng mga buto. Sinabayan na rin nila ang pagtatanim ng mga pinutol na sanga (cuttings) ng malunggay pero ‘di kaagad diretso sa lupa at isinama sa nursery. Laking tuwa ng team nang nakita nila na ‘di naman pala ganoong kahirap ang pagpapasimula ng pagtatanim ng malunggay basta ito ay ipupunla muna at aalagang mabuti sa isang nursery. Napag-alaman din nila na mas maganda ang tubo mula sa mga cuttings. “Mas mabilis pa siyang lumaki kaysa sa mga seedling,”aniya. Sabi naman ni Nestor Dacalano, ang agriculture engineer ng malunggay project, maganda talaga magsimula sa cutting. Kaniyang payo sa mga magtatanim ng cutting, “patubuin mo muna bago i-transfer sa halip na idirekta ito (na itanim).” Kung magsisimula naman sa buto dapat daw itong ipunla at tingnan sa loob ng dalawa hanggang tatlong buwan, bago ito itanim sa lupa. Kailangan daw ay mga five inches na ito bago ilipat sa field. Huwag na huwag din itong pababayaan ‘pag naitanim na, ayon kay Dacalano. Kailangan daw tuloy-tuloy ang pagdadamo at baka dapat gumamit ng insecticide. Pero ang kaniyang fertilizer siyempre maganda na raw kung organic. Minsan nga ay napabili siya ng fungicide. “Nag-spray nga ako last week. Pero hindi na ako nag-spray uli dahl nakita ko na huminto naman ang mga umaatake sa mga tanim.” Nararapat din umanong ingatan ang mga dahon ng malunggay dahil ito ang inaatake ng mga uod. Ayon kay Dacalano, ayos na daw kung ang pagitan ng bawat tanim ay isang metro kung ang gusto mo ay umani ng maraming buto. Pero maganda rin naman daw dagdagan ang pagitan kung malaki naman ang lupain. Nakita nila na higit na magandang magtanim sa lupang sandy-loam at sa clay-loam. Kung sa sandy loam, kailangan ng kaunting tiyaga sa panahon ng tag-init. Ang clay-loam naman ay mas matagal mag-absorb ng moisture. Malapit na rin matapos ang pananaliksik ng team ni Dr. Adion. Ayon sa kanila, handa na silang magturo sa mga taong gusto magtanim ng malungay ‘di lang sa mga bakuran kundi para pang plantasyon. Bago daw sila magsumite ng kanilang ulat gusto muna niyang malaman kung gaano ang dami ng buto na kanilang maaani sa bawat puno. Dito raw malalaman kung gaano ang kikitain ng mga taong nagnanais magtanim ng malunggay ng maramihan. |
'Simple lang ang malunggay ngunit dapat maalaga sa pagtatanim' DepED, pinagtatanim ng malunggay ang mga paaralan Bioethanol mula sa tira ng palay at paggamit ng anay Kailangan ang suporta sa abaca Editorial Columns Dr. Gaudencio C. Petalcorin, Jr. Archives
December 2007 |
|
|
|
||
|
BIONet Pilipinas
is published monthly by the Biotechnology Information and Organization
Network |
||
|
|
||