|
||
|
March 2008 |
||
|
. |
||
|
Matatag na Biotech Resource Center
SA ika-30 ng Abril ay bubuksan ang kauna-unahang Biotechnology Resource Center sa buong Pilipinas. Ito ay matatagpuan sa Provincial Agriculture Office ng Tarlac. Bukod dito, may mga nakaabang pa ring ibang Biotech Resource Center sa Caraga Region, Occidental Mindoro, Laguna at Quezon. Ano ba ang Biotech Resource Center at ano ang inaasahang mga kabutihan ang maibibigay nito hindi lamang sa kasapi ng Biotechnology Information and Organization Network o BIONet kundi pati na rin sa lahat ng sektor na nasasakupan nito sa Northern at Central Luzon? Kung ang layunin ng biotechnology ay ang pagkakaroon ng maalab at tuloy-tuloy na bionegosyo sa ibat-ibang lalawigan upang maitaas ang antas ng kabuhayan ng ating mga magsasaka sa kanayunan dahil sa dagdag na ani, dagdag na trabaho at dagdag na kita, napakahalaga ng papel na gagampanan ng Biotechnology Resource Center. Maraming sangkap ang kinaka-ilangan upang ang bionegosyo ay maging matagumpay sa adhikain nito. Pangunahin dito ang pagkakaroon ng sapat na impormasyon tungkol sa teknolohiya na madaling maipamahagi sa lahat ng interesado at may pangangailangan dito. Ito ay maaring mga inpormasyong nakasulat sa aklat, mga polyetos, komiks at iba pang mga babasahin, mga interactive materials na makukuha sa internet, CDs, tapes at iba pa. Mga impormasyong hango sa makabagong pag-aaral at mga karanasan ng mga kapwa magsasaka sa ibat-ibang resource centers sa Pilipinas gayundin sa labas ng ating bansa. Bukod sa impormasyon tungkol sa teknolohiya, kinakailangan ding malaman ng mga magsasaka ang merkado ng sa ganoon ay hindi sila maging biktima ng mga kapitalista pagdating sa presyo ng kanilang mga ani. Kasama pa rin dito ang impormasyon tungkol sa presyo ng pananim, suppliers ng mga planting materials, at kalagayan ng mga kasamahang magsasaka sa industriya. Isang magandang halimbawa ng mahigpit na pangangailangan sa tama at makabagong impormasyon ay ang umuusbong na industriya ng malunggay sa buong bansa. Kailangang madaling mapakalat ang lahat ng impormasyon tungkol sa pagtatanim nito. Para sa mga producers, mga buyers, ang processing, packaging at iba pang impormasyon ay nakasentro at makukuha sa Tarlac Biotech Resource Center. Ang sinumang nangangailangan ng datos at impormasyon ay pwedeng pumasyal dito at kumuha ng kanyang kailangan. Ang impormasyon tungkol sa maaring pagkunan ng kapital o kredito ng ating magsasaka ay mahalaga rin. Lalong-lalo na sa mga nag-uumpisa sa larangan ng bionegosyo, malaki ang pangangailan sa kredito na hindi agarang maibibigay ng mga lokal o tradisyunal na pinanggagalingan tulad ng mga rural banks at iba pang mga uri ng institusyong nagpapautang. Ang pamahalaan mismo sa pamamagitan ng mga iba’t-ibang ahensiya nito ay naglalaan ng mga pondo para sa agrikultura. Kung may sapat na impormasyon tungkol dito malaking kaginhawaan ang maibibigay nito sa ating magsasaka. Sa madaling salita, ang Biotechnology Resource Center sa Tarlac ay magsisilbing balon ng impormasyon tungkol sa bioteknolohiya at bionegosyo sa buong rehiyon ng Central ang Northern Luzon. Ngunit higit sa mga impormasyong maibibigay ng Biotechnology Resource Center hindi lamang sa ating mga magsasaka kundi sa lahat ng stakeholders, napakahalaga din tingnan ang synergy o dynamism na pwedeng mabuo dahil sa nasabing resource center. Ang pagpapakita ng interes ng bawa’t kasapi ng BIONet, ng publiko, mga negosyante, mga estudyante, mga ibat-ibang institusyon at ang hindi na maawat na kasabikan sa mga kaalaman at impormasyon hatid ng resource center ay parang baga na magtitiyak ng patuloy na init ng bionegosyo. At upang matiyak ang sigla ng Biotechnology Resource Center, kinakailangan din ang mga buhay na programa o aktibidades kung saan aktibong kasali ang mga stakeholders dahil dito maipapamahagi sa iba ang kanilang mga nalalaman at karanasan sa bionegosyo. Mabibilang sa mga aktibidades na ito ay ang buwanang pagtitipon ng ibat-ibang sektor, techno demos, seminars, workshops, fora, farmers exchange, at iba pang mga kaayaayang gawain. Sa pamagitan nito, hindi magsi-silbing parang isang silid-aklatan lamang ang resource center. Sa mga una o dalawang taon, maaring ang resource center ay gumalaw sa pamamagitan ng tulong teknikal at pinansyal na mula sa mga sangay ng pamahalaan tulad ng Department of Agriculture (DA) at mga lokal na pamahalaan. Nguni’t kinakailangang sa mga susunod pang mga taon, ang Biotechnology Resource Center ay makakatayo sa sariling nitong mga paa at hindi nakasandal sa pamahalaan. Kaya sa panahong ito, kinakailangang pagplanuhan nang maigi ang pangmatagalang buhay nito. Kinakailangan ang masusing pagaaral at paghahanda ng mga opisyales ng BIONet para sa ikatatagal ng Biotechnology Resource Center. Isa sa mahalagang bagay na dapat gawin ay ang resource generation upang ang mga Biotechnology Resource Center ay makapangalap ng pondo na gagamitin sa mga proyekto at programa nito na hindi umaasa ng lubusan sa pamahalaan. Dapat bigyan ng pansin ng mga namamahala sa resource center ang mga pamamaraan upang magkaroon ng sapat na pondo ang bawat resource center. Dito papasok ang suporta ng bawat kasapi ng BIONet, mga estratehiya tulad ng partnership building, fund raising ventures at iba pa. Si Nanet Tanyag ang Deputy Executive Director ng Biotechnology for Life Media and Advocacy Resource Center. |
Biotek, kasali na sa mga subjects sa kolehiyo Laguna College nagwagi sa First Biotech Quiz Buko juice mula sa aromatic coconut Pangasinan Farmers pabor sa malunggay Editorial Columns Dr. Gaudencio C. Petalcorin, Jr. Nanet Tanyag Archives
December 2007
|
|
|
|
||
|
BIONet
Pilipinas
is published monthly by the Biotechnology Information and Organization
Network in cooperation with the Biotechnology for Life Media and Advocacy Resource Center with editorial offices at The Advocacy House, No. 8 Scout Chuatoco St., Roxas District, Quezon City. Telefax (02) 4137293 and (02)3728560. Editors: Nanet Tanyag, Enrimand Dejeto and June Rodriguez. Email address: bionetpilipinas@gmail.com. Website: www. biotechforlife.com.ph |
||
|
|
||