A monthly newsletter of the

Biotechnology Information and Organization Network

March 2008

.

Pangasinan Farmers pabor sa malunggay

LALONG naging makulay ang pagdiriwang ng kapistahan sa Laoac, Pangasinan nang ang naturang bayan ay dayuhin ng mga kawani ng Department of Agriculture (DA) at ipaalam sa lahat ang magandang balita hinngil sa mga oportunidad pangkabuhaya dulot ng pagtatanim ng malunggay.

Si Director Alicia Ilaga ng DA -Biotechnology Program Office (DA-BPO) ay nakitalamitam sa mga magsasaka ng Laoac at ipinrisinta ang “Economics and Benefits of Malunggay Production” bilang parte ng 1st Agri-Livestock Trade Fair.

Ang Agri-Livestock Trade Fair, na ginanap noong Marso 3 hanggang o 8, ay bahagi ng selebrasyon ng pista sa Laoac na may temang “Agro-Industrialization of Laoac through Agricultural Biotechnology.”

Bukod sa pagtatampok ng iba’t ibang produkto ng mga barangay sa Laoac, nagtruo din ang mga opisyales ng DA tungkol sa mga aplikasyon ng bioteknolohiya para sa mga magsasaka..

Si Mary Ann Guerrero ng Bureau of Plant Industry (BPI), miyembro ng Technical Working Group (TWG) ng DA-BPO Malunggay Project, ay nagsalita ukol sa mga dapat na malaman sa pagtatanim at pagpaparami ng malunggay.

Binigyang-diin ni Guerrero ang katangian ng malunggay na maaaring itanim sa halos lahat ng uri ng lupa, sa anumang klima at lugar at bagay umano ang pananim sa Laoac.

Itinuro din ni Guerrero ang pagpoproseso ng mga dahon ng malunggay upang maging pulbos na gamit sa “food-fortification.”

“Nais namin na ang aming mga magsasaka maging makabago ang mga pamamaraan sa pagtatanim at madagdagan ang kanilang kita sa pamamagitan ng bioteknolohiya,” sabi ni  Engr. Jaime Quiaño, ang Municipal Administrator ng Laoac at tagapangulo ng Committee on Agri-Livestock Trade Fair.

Ayon naman kay Jose Paco, pangulo ng Association of Farmers in Laoac,  magbibigay ng karagdagang kita sa mga magsasaka sa isang bayan na may 22 barangay ang malunggay.

“Makadaragdag ito ng kita para sa aming bayan,  Tutulong ako sa pagsusulong ng pagtatanim ng malunggay sa Laoac,” aniya.

 “Kami’y lubos na nagagalak sa suportang ibinibigay ni Mayor Antonio Abalos at sa pagbibigay niya ng importansya sa kapakanan ng mga magsasaka.,” dagdag pa ni Paco.

Dumalo sa lecture noong ikalima ng Marso ang municipal agriculture officer (MAO) ng Urdaneta, Pangasinan na si  Bonifacio Fariñas at sinabing nagsimula na silang mamahagi ng mga binhi ng malunggay sa 34 na mga barangay bilang bahagi ng programang “Green Revolution.”

Matapos na makinig sa presentasyon nina Ilaga at Guerrero, sinabi ni Fariñas na piang-iisipan na niya ang pagpaparami ng mga puno ng malunggay sa Urdaneta.

“Muli naming iimbitahan si Direktor Ilaga para sa isa pang pulong hinggil sa produksyon ng malunggay para sa aking mga kababayan sa Urdaneta. Interesado kami sa programa,” pagtatapos ni Fariñas.

Back to top

Biotek, kasali na sa mga subjects sa kolehiyo

Laguna College nagwagi sa First Biotech Quiz

Buko juice mula sa aromatic coconut

Pangasinan Farmers pabor sa malunggay

Editorial

Kaisipang biotek lumalawak

Columns

Dr. Gaudencio C. Petalcorin, Jr.

Alicia Ilaga

Nanet Tanyag

Dr. Vivencio Mamaril

Directory

Archives

September 2007

October 2007
November 2007

December 2007
January 2008
February 2008


BIONet Pilipinas is published monthly by the Biotechnology Information and Organization Network
in cooperation with the Biotechnology for Life Media and Advocacy Resource Center with editorial offices at The Advocacy House, No. 8 Scout Chuatoco St., Roxas District, Quezon City.
Telefax (02) 4137293 and (02)3728560. Editors: Nanet Tanyag, Enrimand Dejeto and June Rodriguez.
Email address:
bionetpilipinas@gmail.com. Website:
www. biotechforlife.com.ph