A monthly newsletter of the

Biotechnology Information and Organization Network

March 2008

.

ULAT NG PAMBANSANG PANGULO

Kauna-unahang "Malunggay
National Congress" pinaghahandaan

SA mga nagdaang taon, nasaksihan natin ang iba’t ibang pagtitipon kung saan tinalakay ang mga paksa para sa ikakaunlad sa paglinang ng mga produktong agrikultural. Nandiyan ang  taunang “Mango Congress,” “Vegetable Congress,” “Banana Congress,” at iba pa. Naisagawa ang mga “congress” na ito upang lalo pang mapapabuti ang lagay ng Pilipinas sa pandaigdigang pamilihan.

Nitong nakaraang taon, nagkaroon ng malawakang interes ang mga Pilipino sa matatawag nating “pambansang gulay”, ang malunggay. Sa pangunguna ng Department of  Agriculture (DA) at sa suporta na rin ng iba’t ibang kagawaran ng pamahalaan, mga institusyon ng pananaliksik at mga pribadong grupo, namulat ang publiko sa  kahalagahan ng malunggay. Maraming kabutihan ang maidudulot ng gulay na ito sa ating kalusugan, at maaari din itong pagkunan ng langis para sa pagluluto at sa industriya. Dahil sa mga natuklasang gamit ng malunggay, nagkaroon ng puwang ang gulay na ito sa pandaigdigang pamilihan.

Para mabigyang-daan ang lubusang pagpapakita sa magiging papel ng Pilipinas sa pandaigdigang pamilihan ng malunggay, magdaraos ang Biotechnology Information and Organization Network (BIONet) ng kauna-unahang “Malunggay National Congress” sa taong ito. Magkakaroon ng mga presentasyon ukol sa mga pananaliksik sa malunggay, “techno-demo,” “trade fair,” at “business-matching.” Inaasahang dadalo ang mga mananaliksik galing sa mga kolehiyo at unibersidad, mga ahensiyang may mandato sa biotechnology, “provincial” at “municipal” agriculturists, mga mangangalakal, mga organisadong grupo, mga magsasaka at mga may interes sa biotechnology. Pag-uusapan ng BIONet National Council sa Abril 18, 2008 ang mga detalye ukol sa napipintong Malunggay National Congress.

 Gaudencio C. Petalcorin, Jr.,Ph.D, Professor, College of Science & Mathematics, MSU-Iligan Institute of Technology. Former Vice President for Academic Affairs, Research & Extension, Northern Mindanao State Institute of Science & Technology. Former Consortium Director, Caraga Consortium for Agriculture, Forestry and Resources Research & Development

Back to top

Biotek, kasali na sa mga subjects sa kolehiyo

Laguna College nagwagi sa First Biotech Quiz

Buko juice mula sa aromatic coconut

Pangasinan Farmers pabor sa malunggay

Editorial

Kaisipang biotek lumalawak

Columns

Dr. Gaudencio C. Petalcorin, Jr.

Alicia Ilaga

Nanet Tanyag

Dr. Vivencio Mamaril

Directory

Archives

September 2007

October 2007
November 2007

December 2007
January 2008
February 2008


BIONet Pilipinas is published monthly by the Biotechnology Information and Organization Network
in cooperation with the Biotechnology for Life Media and Advocacy Resource Center with editorial offices at The Advocacy House, No. 8 Scout Chuatoco St., Roxas District, Quezon City.
Telefax (02) 4137293 and (02)3728560. Editors: Nanet Tanyag, Enrimand Dejeto and June Rodriguez.
Email address:
bionetpilipinas@gmail.com. Website:
www. biotechforlife.com.ph