A monthly newsletter of the

Biotechnology Information and Organization Network

March 2008

.

Ginintuang buto

MARAMING tumatawag sa Malunggay na Green Gold. Kaya naman ang itatawag natin sa buto ng gulay na ito ay ginintuan din. Bakit? Kasi, tulad ng ginto, ang buto ay may malaking kahalagahan. Dito nagsisimula ang buhay ng halaman.

Ang buto o semilya ng malunggay ay nasa isang magulang na prutas o pod. Malalaman nating magulang na ang pod kung ito ay kulay tsokolate na at medyo malutong na at kung pipisilin ay madaling mabiyak. Karaniwang ang isang pod ay naglalaman ng walo hanggang 18 buto. Ang magandang palatandaan kung marami ang buto ay ang haba ng pod. Ang maiiksi ay kaunti ang buto at ang mga mahahaba naman ay mas maraming buto. Ang kulay ng buto ay matingkad na tsokolate na halos malapit na sa itim na kulay. Ito ay madaling tanggaglin sa pod o kung nabiyak ang pod, kusa nang nalalaglag ang buto.

Ang buto ng malunggay ay napakagaan, ang isang kilong buto ay may bilang na humigit-kumulang sa 4,000 piraso.

Paanong patutubuin ang buto? Ito ba ay maaring iimbak muna bago gamitin, at gaano naman kahaba ang buhay ng buto upang ito ay maari pang itanim? Ito marahil ang mga katanungan tungkol sa buto. Narito po ang mga kasagutan.

Una, ang inaning buto ay maari nang itanim kaagad o iimbak muna kung hindi pa gagamitin. Ang buto ay maaring iimbak sa malinis na bote, takpan ng mahigpit at ilagay sa isang madilim na lugar. Maari ding lagyan ng uling ang pag-iimbakan. Ang uling kasi ay may kakayahang mapanatiling tuyo ang inimbak na buto. Ang inimbak na buto, ayon sa aming obserbasyon ay nagtatagal lamang ng apat hanggang anim na buwan sa imbakan. Kapag lumabis pa dito, ang uri o kalidad ng buto ay bumababa o nawawala na.

Paano ba itinatanim ang buto? May dalawang uri ng pag-tatanim ng buto. Una, maari itong itanim na kaagad sa lupa, tabunan, at diligan. Sa loob ng isang lingo, ay makikita nang tumutubo ito. Karaniwan, kung itatanim ng maramihan at malakihan ang buto, dalawang piraso ang inilalagay bawat tudling o butas. Nang sa ganoon, di man tumubo ang isang buto, may isa pang maaring mabuhay. Sa ganitong paraan, lumalaki ang gastos sa buto at trabaho, dahil kinakalilangang palitan ang nga butong di nabuhay.

Ang pangalawang paraan naman ay basain ang buto, o ibabad ito ng magdamag. Pagkatapos, salain ang buto upang maihiwalay ang tubig. Ang butong nasala naman ay ibabalot sa iang malinis na basahan. Pagkabalot ay ilagay sa isang madilim na lugar. Sa loob ng apat hanggang pitong araw, ang mga buto ay lalabasan ng ugat. Ang itsura nito ay parang munggo na ginawang toge. Kung ang ugat ng batang halaman o binhi ay umabot na sa apat sa sentimetro, ito ay isa ng magandang pananim sa lupa. Sa ganitong paraan ay nakakatipid tayo sa buto, dahil ang nga may tubo na o ugat na buto lamang ang itatanim natin. Tulad ng naunang paraan, ang binhi ay tatabunan din ng lupa at didiligin.

May iba pa palang gamit ang buto ng malunggay. Kung hindi itatamim, maari itong gamiting water purifier o panlinis pa ng tubig. Maari ding pulbusin ang buto at gamiting gamot sa sugat. Sa pandaigdigang merkado, ang buto ay binibili upang gamitin bilang langis. Ang langis ng buto ng malunggay ay may gamit sa parmasya, kosmetik, o halamang langis para sa mga makina.

Kaya sa susunod na makakita kayo ng mga magulang na pod malunggay, ito ay inyong kunin o hingin. Ang anumang buto na inyong malilikom ay maari ninyong ipagkaloob sa amin, upang ang amin pang pag-aaral at pagsusuri sa malunggay ay aming maipagpatuloy.

Dr. Vivencio Mamaril ay kasapi ng Bureau of Plant Industry Biotech Core Team.

Back to top

Biotek, kasali na sa mga subjects sa kolehiyo

Laguna College nagwagi sa First Biotech Quiz

Buko juice mula sa aromatic coconut

Pangasinan Farmers pabor sa malunggay

Editorial

Kaisipang biotek lumalawak

Columns

Dr. Gaudencio C. Petalcorin, Jr.

Alicia Ilaga

Nanet Tanyag

Dr. Vivencio Mamaril

Directory

Archives

September 2007

October 2007
November 2007

December 2007
January 2008
February 2008

 


BIONet Pilipinas is published monthly by the Biotechnology Information and Organization Network
in cooperation with the Biotechnology for Life Media and Advocacy Resource Center with editorial offices at The Advocacy House, No. 8 Scout Chuatoco St., Roxas District, Quezon City.
Telefax (02) 4137293 and (02)3728560. Editors: Nanet Tanyag, Enrimand Dejeto and June Rodriguez.
Email address:
bionetpilipinas@gmail.com. Website:
www. biotechforlife.com.ph