|
||
|
March 2008 |
||
|
. |
||
|
Madali ang biotek
SINO ang nagsabing mahirap pagaralan ang biotek? Sa ginanap kamakailan na kauna-unahang National Biotechnology Quiz na ginanap kamakailan, pinabilib na ng mga mag-aaral sa high school ang lahat sa kanilang galing sa pagsagot sa mahihirap na tanong tungkol sa biotek. Patunay lang ang tagumpay ng nakaraang Biotech Quiz na maging ang mga kabataan ay nais talagang matutunan at maunawaan ang lumalawak na larangang ito. Tunay ngang ito na ang masasabing trend ngayon sa larangan ng agham. Mahigit 200 eskwelahan sa buong bansa ang sumali sa Biotech Quiz, at hindi lang mga Science Schools ang lumahok. Sa katunayan, isang non-science school pa nga ang naging kampeon-ang Laguna College. Ito na rin ang nagpalakas ng loob ng mga stakeholders na isulong na maituro sa mga paaralan ang kahalagahan ng biotek. Habang maaga pa, dapat ng maintindihan ng mga kabataan ang katotohanan tungkol dito–na hindi ito nakakatakot, na hindi ito dapat na isantabi at sa halip ay dapat na tutukan para lalong mapalago ang kaalaman sa larangan. Sa eskwelahan, magandang maituro sa mga kabataan na karamihan sa mga paniniwalang nakakapangamba tungkol sa biotek ay kathang-isip lang. Mayaman sa impormasyon ang Pilipinas pagdating sa biotek. Marami nang pag-aaral at pagsasaliksik na ginagawa ang pamahalaan sa pangunguna ng Department of Agriculture-Biotechnology Program Office (DA-BPO) at maging ang mga institusyon tulad ng Philipine Rice Research Institute, International Rice Research Institute, UP Los Baños at UP Diliman National Institute for Molecular Biology and Biotechnology. At siyempre, pumasok na rin ang tulong ng biotek sa research and development (R&D) para mapalago ang produksyon sa agrikultura. May mga alternatibong klase ng bigas na ibinebenta na sa merkado tulad ng Tubigan 7 at 11 na hindi tinatamaan ng bacterial leaf blight o BLB, isang sakit na sumasalanta sa mga palay. Sa ngayon, ang Bacillus thuringiensis (Bt) corn ay masasabing isang malaking tagumpay ng biotek sa merkado. Malaki talaga ang magagawa ng teknolohiyang ito para mapadali at mapabuti ang buhay nating mga Pilipino. Kaya’t nararapat lang na maituro at maibahagi ito sa kabataan. Ayon kay Dr. Jose Rizal, "Ang kabataan ang pag-asa ng bayan," kaya’t nasa kanila ngayon ang mata ng lahat ng nagtutulak ng biotek. Patuloy pa rin ang paghingi ng suporta ng DA-BPO sa mga stakeholders na isulong pa ang biotek sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga local government units (LGUs), at pagpapalaganap ng kahalagahan nito sa media. Magandang isipin na kung ang mga kabataan ay matututo ng biotek sa maagang panahon pa lang, hindi problema ang pagpapanatili ng larangang ito. Ang mga kabataang mahuhubog ang kaalaman tungkol dito ang siya na ring magpapalago nito sa mga susunod pang pagsasaliksik at pag-aaral pagdating ng panahon. Baka sa mga susunod na taon, magulat na lang tayo na kinikilala na ang Pilipinas na kabilang sa mga nangunguna sa larangang ito. Kung ganap na susuportahan ng lahat ng stakeholders mula sa akademya, agham, media at gobyerno hindi malayong maabot natin ang ganitong mithiin. Alicia Ilaga is the Director of the DA Biotechnology Program Office (BPO) and is also the Vice-President for Luzon of BIONet. |
Biotek, kasali na sa mga subjects sa kolehiyo Laguna College nagwagi sa First Biotech Quiz Buko juice mula sa aromatic coconut Pangasinan Farmers pabor sa malunggay Editorial Columns Dr. Gaudencio C. Petalcorin, Jr. Alicia Ilaga Archives |
|
|
|
||
|
BIONet
Pilipinas
is published monthly by the Biotechnology Information and Organization
Network in cooperation with the Biotechnology for Life Media and Advocacy Resource Center with editorial offices at The Advocacy House, No. 8 Scout Chuatoco St., Roxas District, Quezon City. Telefax (02) 4137293 and (02)3728560. Editors: Nanet Tanyag, Enrimand Dejeto and June Rodriguez. Email address: bionetpilipinas@gmail.com. Website: www. biotechforlife.com.ph |
||
|
|
||