A monthly newsletter of the

Biotechnology Information and Organization Network

March 2008

.

Editorial

Kaisipang biotek lumalawak

NAPAKALAKI ang nagawa ng kaunaunahang National Biotech Quiz sa mataas na paaralan upang palakasin ang pagkahilig ng mga mag-aaral sa bioteknolohiya.

Hindi kakaunti ang mga paaralang sumali sa tagisan ng talino na ginanap sa Bureau of Soils and Water Management (BSWM) sa Lungsod Quezon kamakailan.

Masigabo ang naging eskrimahan sa agham ng mga sumali sa naturang labanan at kung susumahin ang halaga nito, masasabing napunla na sa mga paaralang pampubliko at pribado ang interes ng kabataan sa biotek.

Hindi matatawaran ang uri ng bakbakang intelektwal na naganap at mismong ang mga dalubhasa na tumayong hukom ay namangha sa taas ng uri ng kaalaman ng mga sumali.

Ang unang biotech quiz ay susundan pa ng maraming tagisan sa antas na pang-rehiyon sa susunod na taon at lilikha ito ng maraming mga mag-aaral na higit pang magbabasa, magsasaliksik at magtatanong ng napakarami hinggil sa prinsipyo at batayang pamamaraan ng agham.

Bukod dito ay liliwanag nang husto ang kinabukasan ng biotek sapagkat dumarami na ang mga kolehiyo at pamantasan na magbubukas ng mga kurso hinggil sa biotek matapos na gawin itong kurso sa pangkalahatang edukasyon sa Unibersidad ng Pilipinas.

Magiging malalim ang pagtanggap sa biotek sa susunod na mga taon sapagkat nasusumpungan na ng buong bayan na ang konsepto, prinsipyo at pamamaraan nito ay hindi laban sa kalikasan, at sang-ayon pa nga sa pangunahing pangangailangan ng bansa na maawat sa taun-taong krisis sa pagkain, pangunahin na ang bigas, at ang lumalaganap na suliranin sa kahirapan at gutom.

Mula sa hanay ng mga mag-aaral na ngayon ay may mahigpit na pagtanggap sa biotek ay isisilang ang kadre ng mga mananaliksik, siyentipiko at mga praktikal na magpapayabong ng mga pananim na biotek.

Sila rin ang magiging piho sa kanilang pagsuporta sa biotek na iluluwal mismo sa ating bansa sapagkat ito lamang ang tanging paraan upang higit na matanggap ang sistemang biotek, pati na ang paggamit ng genetic engineering at iba pang proseso upang pataasin ang ani, busugin sa sustansya ang mga halaman at pagkain at bawasan ang paggamit ng mga delikadong kemikal sa agrikultura at wakasan ang mga peste.

Labis na ikagagalak ng mga tunay na makabayan na ang binhi ng tunay na Pinoy biotek ay atin nang nababanaagan at unti-unti nang natatanggap ng buong bayan.

Ito ay isang pag-igpaw sa pag-unawa at pagwawaksi sa lumang kaalaman.

Ito rin ay isang hakbang tungo sa higit na maaliwalas na kinabukasan.

Back to top

Biotek, kasali na sa mga subjects sa kolehiyo

Laguna College nagwagi sa First Biotech Quiz

Buko juice mula sa aromatic coconut

Pangasinan Farmers pabor sa malunggay

Editorial

Kaisipang biotek lumalawak

Columns

Dr. Gaudencio C. Petalcorin, Jr.

Alicia Ilaga

Nanet Tanyag

Dr. Vivencio Mamaril

Directory

Archives

September 2007

October 2007
November 2007

December 2007
January 2008
February 2008


BIONet Pilipinas is published monthly by the Biotechnology Information and Organization Network
in cooperation with the Biotechnology for Life Media and Advocacy Resource Center with editorial offices at The Advocacy House, No. 8 Scout Chuatoco St., Roxas District, Quezon City.
Telefax (02) 4137293 and (02)3728560. Editors: Nanet Tanyag, Enrimand Dejeto and June Rodriguez.
Email address:
bionetpilipinas@gmail.com. Website:
www. biotechforlife.com.ph