A monthly newsletter of the

Biotechnology Information and Organization Network

March 2008

.

Biotek, kasali na sa mga
subjects sa kolehiyo

Ni MELISSA M. Mañalac

KAHIT na malaki ang pag-unlad ng komersyalisasyon ng mga pananim na biotech sa nakaraang 12 taon, higit namang malaki ang potensyal sa pagyabong ng mga ito sa susunod na dekada.

Ito ang iginiit ni Dr. Clive James, founder at tagapangulo ng International Service for the Acquisition of Agri-biotech Applications (ISAAA) sa kanyang ulat sa sa ginanap na kumperensyang “Progress and Global Status of Commercialized Biotech/GM Crops in 2007” noong Pebrero 14 sa Hotel Intercontinental Manila.

Si Agriculture Secretary Arthur C. Yap ang nagbigay ng keynote address sa naturang pulong at binigyang halaga ang papel ng biotechnology upang pataasin ang ani ng mga halaman at pagkain.

Idinagdag pa niya na ang pag-unlad ng mga produkto ng biotechnology sa agrikultura ay magbibigay ng dagdag na kita sa mga magsasaka at palalakihin ang reserbang pagkain ng bansa.

Sinabi ng kalihim na bahagi ng P3-bilyong pondo para sa pananaliksik ng Department of Science and Technology (DOST) ay maaaring magamit sa mga proyektong biotech ng DA.

Ipinaliwanag ni Yap na P600 milyon hanggang P1 bilyon ng kabuuan ng pondo ng DOST ay maaaring magamit ng DA gaya ng iniatas ni Pangulong Gloria Arroyo sa isang pulong ng kanyang Gabinete.

Pinag-aaralan din umano ng gobyerno kung paanong madaragdagan ang kolaborasyon sa pagitan ng DA, DOST at mga unibersidad sa larangan ng biotechnology.

Nagbigay din ng maiksing pananalita sa pulong sina ISAAA global coordinator Dr. Randy Hautea, Philippine Maize Federation president Rosalie Ellasus at University of the Philippines Manila-College of Public Health Dean Nina Gloriani Barzaga na siya ring pangulo ng Biotechnology Coalition of the Philippines (BCP).

Idinagdag ni James na ang mga pananim na biotek ay maaring makatulong na pigilan ang masamang epekto ng pagbabago ng panahon at makabawas sa mga mga tinatawag na “greenhouse gases” upang mapainam ang kalikasan at kapaligiran.

Ang mga pananim na biotek umano ay nakatutulong nang bawasan ang carbon dioxide emissions. Ilan pang aplikasyon ng mga pananim na biotek para sa 2006-2015 ay mga pananim na mayroong “increased nitrogen efficiency.”
Ang mga “drought tolerant maize varieties” ay inaasahang handa na para sa komersyalisasyon sa taong 2011, ayon pa kay James.

Maliwanag umano ang hinaharap para sa mga biotek na pananim, dagdag ni James. Sa kasalukuyan, 23 bansa ang may mga biotech na pananim at 114 milyong ektarya na ng lupain ang natatamnan ng mga pananin na biotech. Inaasahang itong dodoble sa yugtong 2006-2015.

Maari din umanong magsampung doble ang bilang ng mga magsasakang nagtatanim ng mga biotek na pananim, o umabot sa 100 milyon, sa panahong ito.

Tulong para makamit ang MDGs

Hindi din kinaligtaan ni James ang maaaring maitulong ng mga biotek na pananim upang makamit ang mga Millennium Development Goals (MDGs) na itinakda ng United Nations.

Pinakaimportante umanong potensyal na kontribusyon ng mga pananim na biotech ang mahati ang bahagdan ng kahirapa’t pagkagutom sa taong 2015.

Binigyang-pansin ni James ang isang mahalagang mensahe sa kalalathalang 2008 World Bank Development Report na may pamagat na “Agriculture for Development,” na nagsasabing ang agri-kultura ay isang mahalagang kasangkapan upang makamit ang mithing mabawasan ang kahirapan at kagutuman sa 2015.

Ayon sa naturang ulat ng World Bank, malaking bilang ng mga nagdarahop sa mga umuunlad na bansa ang nakatira sa kanayunan at umaasa sa agrikultura.
Kinilala nito ang katotohanang hindi mareresolba ang kahirapan sa Sub-Saharan Africa kung hindi magkakaroon ng rebolusyon sa produksyong agrikultural. Nabigyan din ng diin na kahit na sa mga mabilis na lumagong ekonomiya sa Asya ay may mga 600 milyong “rural people” na lubusang naghihirap.

Tinawag ni James ang kahirapan bilang isang “rural phenomenon,” at kalahati ng bilang ng mga pinakamahihirap na tao sa daigdig ay mga magsasaka.
Dalawampung porsiyento naman umano ang mga walang sariling lupa sa kanayunan na umaasasa sa agrikultura para sa ikabubuhay, kaya’t 70 porsiyento o mayorya ng mga nagdarahop ay nasa sektor na umaasa sa agrikultura.

Ang hamon umano ay gawing isang oportunidad upang malutas ang kahirapan ang konsentrasyon ng mga nagdarahop sa agrikultura sa pamamagitan ng pagbabahagi sa mga magsasaka ang mga karanasan ng mga nagbubuhat sa mga umuunlad na bansa hinggil sa matagumpay na paggamit ng mga biotek na pananim. Ito ang magpapalago ng ani at sa huli ay magpapalaki ng kita ng mga magsasaka.

Back to top

Biotek, kasali na sa mga subjects sa kolehiyo

Laguna College nagwagi sa First Biotech Quiz

Buko juice mula sa aromatic coconut

Pangasinan Farmers pabor sa malunggay

Editorial

Kaisipang biotek lumalawak

Columns

Dr. Gaudencio C. Petalcorin, Jr.

Alicia Ilaga

Nanet Tanyag

Dr. Vivencio Mamaril

Directory

Archives

September 2007

October 2007
November 2007

December 2007
January 2008
February 2008

 

 

 


BIONet Pilipinas is published monthly by the Biotechnology Information and Organization Network
in cooperation with the Biotechnology for Life Media and Advocacy Resource Center with editorial offices at The Advocacy House, No. 8 Scout Chuatoco St., Roxas District, Quezon City.
Telefax (02) 4137293 and (02)3728560. Editors: Nanet Tanyag, Enrimand Dejeto and June Rodriguez.
Email address:
bionetpilipinas@gmail.com. Website:
www. biotechforlife.com.ph