A monthly newsletter of the

Biotechnology Information and Organization Network

June 2008

.

Seminar sa Occidental Mindoro tagumpay

ISANG matagumpay na seminar ang
ginanap sa dalawang bayan ng Occidental Mindoro upang mapalaganap ang kabutihang dala ng bioteknolohiya sa mga mamayan lalo-lalo na sa mga mahihirap na magsasaka.

Nuong Hunyo 2 at 3, ang buong grupo ng Biotech Media Resource and Advocacy Center ay pumunta sa bayan ng San Jose at Rizal, Occidental Mindoro upang ipaalam sa mga dumalo ng nabanggit na seminar ang maidudulot na kabutihan ng pagtatanim ng mais at malunggay. Dumating din ang mga taong nagbahagi ng kanilang kaalaman at kahusayan sa usaping bioteknolohiya lalong lalo na sa mga isyu at makabagong pamamaraan at impormasyon na makakatulong sa kanila.

Dumating ang mga dalubhasa sa pagtatanim ng malunggay at mais na sina Bb. Mary Anne Guerrero at Loren Abarquez ng Bureau of Plant Industry (BPI) at si Dr. Vic Alpuerto ng Monsanto. Nandoon din sina Bb. Alice Ilaga ng Department of Agriculture (DA) at si Engr. Danilo Manayaga na nagbigay ng inspirasyon at pag-asa sa mga magsasakang dumalo na pawang mga lider at kasapi ng iba’t-ibang kooperatiba sa nasabing bayan.

Nandoon din ang ama ng bayan ng San Jose ni si Mayor Muloy Festin at ang ina ng bayan ng Rizal na si Mayor Sonia Pablo. Sila ay nagbigay ng moral support upang ipagpatuloy ang kanilang balakin at isakatuparan ang kanilang pakay na makinabang sa bioteknolohiya.

Bagama’t maiksi ang nasabing gawain, masaya at kapakipakinabang sa lahat ang kinalbasan nito. Kitang-kita sa mga mukha ng mga magsasakang dumalo ang tuwa at ang pag-asa na maganda ang kahihinatnan ng kanilang pagpunta sa nasabing seminar.

Napatunayan sa nasabing seminar na mahalaga ang pagtutulungan ng iba’t-ibang sektor ng lipunan sa mga gawaing tungo sa pagbabagong kabuhayan at ng lipunan. Ang bukas na kalooban ng mga dumalo at kanilang interes at pati na ang pinakitang suporta ng mga local na lider ay napakahalagang pundasyon tungo sa tagumpay ng bioteknolohiya sa lalawigan ng Occidental Mindoro.

And where do we go from here? Wika nga.

Malayo ang patutunguhan ng panahon, hirap at tiyaga na ibinuhos ng mga dumalo, lokal na pamahalaan at, syempre, ng pamahalaang nasyonal sa pamamagitan ng sangay nito na ang Department of Agriculture. Alam ng lahat na bagaman ang lalawigan ng Occidental Mindoro ay tagumpay sa programang pang-agrikultura, napakalaki pa rin ng potensyal nito na magbigay pa ng mas malaking kita sa mga magsasaka at mamayan nito.

Ang potensyal na ito ay magiging makatotohanan lamang kung ang lahat ng sektor ay itututuloy ang naumpisahan. Maaring isang panaginip ang makita na walang bakante lupain sa mga bayan ng San Jose at Rizal imbes ay luntiang kapaligiran sapagkat lahat ng lupain ay puno ng malunggay at mais.

Sa bahagi ng pamahalaang nasyonal, nakahanda na ang pagtatayo ng isang Biotechnology Ressource Center sa lugar na magsisilbing sentro ng mga bagong kaalaman at karanasan sa bioteknolohiya at dito malalagom ang magagandang karanasan hindi lamang sa Occidental Mindoro kundi sa iba pang bahagi ng Pilipinas.

Sa Hulyo 31 ay bubuksan ang nasabing sentro, ang pangalawa sa buong bansa. Nauna dito ang isang sentro sa Tarlac City na binuksan nuong Abril 2008. Magsisilbing isang bagong hamon muli ang sentro para pagibayuhin ng mga taga-Occidental Mindoro ang kanilang galing sa bioteknolohiya.

Kudos sa mga taga San Jose at Rizal Occidental Mindoro, mga kababayan ko!

Si Nanet Tanyag ang Deputy Executive Director ng Biotechnology for Life Media and Advocacy Resource Center.

Back to top

Santo Papa maglalabas ngpahayag hinggil sa gamit ng biotechnology

BIONet-BIOCommerce Center pauunlarin ang Tarlac

Pagtatanim ng malunggay pinaigting ng Cavite

QC may malunggay park na

Seminar ng wastong pagtatanim ginanap sa Cam Sur

Pribadong sektor magtatayo ng plant ng malunggay sa Marawi

DA: malaki kita sa mais

Editorial

Sumusulong ang biotek

Columns

Dr. Gaudencio C. Petalcorin, Jr.

Alicia Ilaga

Nanet Tanyag

Directory

Archives

September 2007

October 2007
November 2007

December 2007
January 2008
February 2008
March 2008
April 2008
May 2008

Membership Form


BIONet Pilipinas is published monthly by the Biotechnology Information and Organization Network
in cooperation with the Biotechnology for Life Media and Advocacy Resource Center with editorial offices at The Advocacy House, No. 8 Scout Chuatoco St., Roxas District, Quezon City.
Telefax (02) 4137293 and (02)3728560. Editors: Nanet Tanyag, Enrimand Dejeto and June Rodriguez.
Email address:
bionetpilipinas@gmail.com. Website:
www. biotechforlife.com.ph