|
||
|
June 2008 |
||
|
. |
||
|
DA: Malaki ang kita sa mais LABING-pitong porsyento ang itinaas ng produksyon ng mais sa unang tatlong buwan ng taong ito. Kumpara sa katulad na panahon noong 2007, dumami ng mahigit dalawang milyong metriko tonelada ang inaning mais sa unang tatlong buwan ng 2008.
Lumaki ang taniman ng mais ng 5.36 porsyento sa unang tatlong buwan ng 2008. Sa kabuuan, 677,754 ektarya na ng lupa ang tinataniman ng mais sa ngayon, kumpara sa 643,274 ektarya lamang noong 2007. Ang inaning hybrid yellow corn ay lumaki ng 90 porsyento.
Sabi ni Araullo, nangyari ito dahil sa ganda
ng presyo ng mais sa pamilihan. Marami ang lumipat na sa pagtatanim ng
mais kaysa sa palay, kamatis o patatas. Kumpara sa ibang produkto, isa na nga ang mais sa may pinakamataas na presyo. Sa ngayon, nasa P11.50 hanggang P12 kada kilo ang presyo nito mula sa P7 noong 1990s. Kung tutuusin, sabi ni Araullo, malaki ang kita sa mais. Kaya’t para ‘di magkulang ang supply lalo na sa mais bilang pagkain, inunahan na ng DA ang pagtitiyak ng sapat ng supply ng buto ng white corn. Maraming kompanya ang nagbebenta ng binhi ng yellow corn. Target ng DA na matamo ng bansa ang self-sufficiency nito sa mais pagdating ng taong 2010. Kaya naman humingi ng karagdagang P325-milyong pondo ang National Corn Program para sa karagdagang 75,000 ektarya ng bagong lupain na pagtataniman ng mais. Gusto kasi ng DA na ma-develop ang mga hindi ginagamit na lupa o mga “kugonan” para hindi magkaroon ng suliranin sa lupang pagtatamnan ng mais sa taniman ng iba pang produkto. Mag-i-intercrop na rin ang DA ng white corn, na kinakain ng tao, sa niyog sa pakikipagtulungan nila sa Philippine Coconut Authority. Ito ay para matulungan ang mga magsasaka ng niyog, na isa sa pinakamahirap sa bansa. Pero susi sa lahat din ng ito ang pagtitiyak ng kalidad ng mais na naibebenta sa merkado. Kailangan, ani Araullo, ang mga drying facility para mas mabilis na mapatuyo ang mga mais at nang maibenta ito bilang mga corncobs. Kaya’t nais ng DA na maglagay ng mga grain centers at drying facilities sa buong bansa sa taong ito. “Nasa cobs pa lang ‘yung corn na-dry na natin para yung mga farmers di na sila mag-problema, especially kapag wet season. Target namin is for this year, 50 units. Ang na-establish namin apat at meron kaming ongoing na almost 46 units,” sabi ni Araullo. Sa pandaigdigang merkado, mataas ang presyo ng mais mabenta ito ngayon bilang isang source ng alternatibong langis o bioethanol. Isa ang mais sa pinakamalakas magbigay ng alcohol, ani Araullo. Katunayan, ang isang toneladang mais ay katumbas ng 380 litro ng bioethanol. Pero sa ngayon, hindi rito nakatuon ang produksyon ng mais sa Pilipinas. Itinitaas ng DA ang produksyon ng mais dahil sa ginagamit ito bilang feeds at pagkain ng tao. Ito muna ang inuuna ng DA sa plano nitong pagtamo ng self-sufficiency pagdating ng taong 2010. “Kung sumobra ang production natin, naka-abang yung ethanol e. Should we attain self-sufficiency, may nakaabang naman, di ba? Ang dami,” sabi ni Araullo. |
Santo Papa maglalabas ngpahayag hinggil sa gamit ng biotechnology BIONet-BIOCommerce Center pauunlarin ang Tarlac Pagtatanim ng malunggay pinaigting ng Cavite Seminar ng wastong pagtatanim ginanap sa Cam Sur Pribadong sektor magtatayo ng plant ng malunggay sa Marawi DA: malaki kita sa mais Editorial Columns Dr. Gaudencio C. Petalcorin, Jr. Archives
December 2007 |
|
|
|
||
|
BIONet
Pilipinas
is published monthly by the Biotechnology Information and Organization
Network in cooperation with the Biotechnology for Life Media and Advocacy Resource Center with editorial offices at The Advocacy House, No. 8 Scout Chuatoco St., Roxas District, Quezon City. Telefax (02) 4137293 and (02)3728560. Editors: Nanet Tanyag, Enrimand Dejeto and June Rodriguez. Email address: bionetpilipinas@gmail.com. Website: www. biotechforlife.com.ph |
||
|
|
||