A monthly newsletter of the

Biotechnology Information and Organization Network

June 2008

.

ULAT NG PAMBANSANG PANGULO

BIOCommerce Center sa abaca at papaya

ANG abaca ay isa sa mga
pangunahing panamin na nagbibigay ng malaking kita sa Pilipinas. Nagsimula ang paggamit nito sa paggawa ng lubid at mga handicraft, at ngayon ay ginagamit na sa paggawa ng specialized paper na kinabibilangan ng tea and coffee bags, sausage-casing paper, electrolytic paper, currency notes, cigarette-filter papers, medical/disposal papers at high-quality writing paper.

Ang bansang Alemanya ngayon ay gumagamit na ng abaca sa paggawa ng iba’t ibang piyesa ng sasakyan. Napatunayan rin na ang abaca extract ay nagtataglay ng anti-ageing at therapeutic properties. Mabibili na sa Estados Unidos, bansang Hapon, at sa Europa ang abaca soap.

Simula 2004, nagsimulang makilala ang Caraga Region bilang isa sa mga nangunguna sa Pilipinas sa produksyon ng Abaca. Dahil dito, naitatag ang Abaca Cluster sa rehiyon na sinusuportahan ng Regional Development Council. Ang Fiber Industry Development Authority (FIDA) ang nagsisilbing pangunahing ahensiya na tumitingin sa ikauunlad ng cluster na ito.

Ang Northern Mindanao State Institute of Science and Technology (NORMISIST) Tissue Culture Laboratory ang pangunahing pinanggalingan ng mga punla. Dahil sa matagumpay na pananaliksik ng isang propesor ng NORMISIST para makabuo ng isang protocol sa produksyon ng de-kalidad na mga punla, ang Department of Science and Technology(DOST), Commission on Higher Education(CHED), Philippine Council for Agriculture, Forestry & Natural Resources Research and Development (PCARRD) ay nagbigay ng pondo para mapaunlad lalo ang produksyon ng mga punla sa NORMISIST. Sa ngayon pinag-aralan na rin ng pamantasan ang supply chain para sa abaca.

Ang papaya naman ay isang napakapopular na gulay/prutas sa Pilipinas. Napakasarap na panghimagas ang hinog na papaya. Ang hilaw na bunga naman ay lalong pinasasarap ang tinola.

Nguni’t ang kahalagahan ng pananim na ito ay hindi lang bilang isang ordinaryong pagkain. Lumitaw sa mga pananaliksik na ang dagta ng hilaw na papaya ay may mga aktibong enzymes na mayroong gamit sa medisina. Dahil dito lumalaki lalo ang merkado para sa papaya.

Sa taong 2005, naisulong ng inyong lingkod na maisama ang High Value Vegetable Cluster sa mga kinikilalang industry clusters sa Caraga. Isa ang papaya sa mga pangunahing produkto ng cluster na ito. Kumikita ang mga magsasaka ng hanggang P15 kada kilo ng Red Lady papaya.

Sa Maynila, aabot hanggang P40 kada kilo ang bentahan. Ang mga namimili ng papaya sa rehiyon ay kinabibilangan ng Secura International, Del Monte Philippines at Fruit Gem.

Upang lalo pang mapaunlad ang kalakal sa Abaca at Papaya sa Rehiyon Caraga, ang Biotechnology Information and Organization Network (BIONet) at Department of Agriculture-Biotechnology Program Office (DA-BPO) sa pakikipagtulungan ng Biotechnology for Life Media Advocacy Resource Center (BMARC) at NORMISIST ay magbubukas ng isang BIOCommerce Center para sa naturang mga produkto. Ito ang pangalawang sentro na bubuksan sa Pilipinas. Noong May 28, 2008 binuksan ang BIOCommerce Center Tarlac para naman sa malunggay.

Ang BIOCommerce Center Butuan ay bubuksan sa susunod na buwan. Ang sentro na ito ay maglalaman ng mga babasahing ukol sa mga pananim, dito rin gagawin ang mga pagsasanay sa mga bagong teknolohiya, at higit sa lahat ang business-matching sa pagitan ng mga magsasaka at sa mga kompanyang biotek.

Ang BIOCommerce Center Butuan ay matatagpuan sa loob ng NORMISIST, Ampayon, Butuan City. Inaasahang ito ay magbibigay pa ng ibayong sigla sa Abaca Industry Cluster at ng High Value Vegetable Cluster ng Rehiyon Caraga.

Gaudencio C. Petalcorin, Jr.,Ph.D, Professor, College of Science & Mathematics, MSU-Iligan Institute of Technology. Former Vice President for Academic Affairs, Research & Extension, Northern Mindanao State Institute of Science & Technology. Former Consortium Director, Caraga Consortium for Agriculture, Forestry and Resources Research & Development

Back to top

Santo Papa maglalabas ngpahayag hinggil sa gamit ng biotechnology

BIONet-BIOCommerce Center pauunlarin ang Tarlac

Pagtatanim ng malunggay pinaigting ng Cavite

QC may malunggay park na

Seminar ng wastong pagtatanim ginanap sa Cam Sur

Pribadong sektor magtatayo ng plant ng malunggay sa Marawi

DA: malaki kita sa mais

Editorial

Sumusulong ang biotek

Columns

Dr. Gaudencio C. Petalcorin, Jr.

Alicia Ilaga

Nanet Tanyag

Directory

Archives

September 2007

October 2007
November 2007

December 2007
January 2008
February 2008
March 2008
April 2008
May 2008

Membership Form


BIONet Pilipinas is published monthly by the Biotechnology Information and Organization Network
in cooperation with the Biotechnology for Life Media and Advocacy Resource Center with editorial offices at The Advocacy House, No. 8 Scout Chuatoco St., Roxas District, Quezon City.
Telefax (02) 4137293 and (02)3728560. Editors: Nanet Tanyag, Enrimand Dejeto and June Rodriguez.
Email address:
bionetpilipinas@gmail.com. Website:
www. biotechforlife.com.ph