A monthly newsletter of the

Biotechnology Information and Organization Network

June 2008

.

Biotek na malunggay pa sa Tarlac Center

MALAYO na nga ang narating ng
ating adbokasiya sa biotek-nolohiya.

Nitong Mayo 28, binuksan ng Department of Agriculture-Biotechnology Program Office (DA-BPO), katuwang ang lokal na pamahalaang panlalawiga ng Tarlac at ang BIONet-BIOCommerce Information Resource Center. Matatagpuan ito sa loob ng tanggapan ng Provincial Agriculturist ng Tarlac. Ito ang magsisilbing sentro ng daluyan ng impormasyon para sa mga magsasaka, akademista at opisyal ng lokal na pamahalaan na interesadong matuto sa mga proseso at produkto ng bioteknolohiya.

Napili ang Tarlac bilang kauna-unahang lugar para sa isang information resource center dahil sa positibo at aktibong pagtanggap at suporta ng local na pamahalaan sa ating adbokasiya sa biotek, lalo na sa malunggay.

Sapagkat naaayon na rin sa programang “natural” ng lokal na pamahalaan ang pagmamalunggay, ang butihing pinuno ng lalawigan na si Governor Victor Yap ay naglaan ng matinding suporta para sa pagpapatayo ng 10 malunggay nurseries at para sa pagpapalawig pa ng malunggay biocommerce sa probinsya.

Bukod rito, matatagpuan din sa Tarlac ang ating Malunggay BIOCommerce Center na nagsimula bilang isang research and development center para sa malunggay. Limang ektarya ng lupain dito ang nakalaan sa pagma-malunggay, na matatagpuan sa loob ng compound ng Central Luzon Integrated Agricultural Research Center (CLIARC).

Sa pamamagitan ng center na ito, maipapamahagi ng departamento ang suporta nito sa pagsasanay sa mga magsasaka ng wastong pagtatanim ng malunggay. Ito rin ay magsisilbing sentro ng BIOCommerce para sa malunggay sa lalawigan.

Binigyan na ng DA-BPO ng hudyat ang Malunggay BIOCommerce Center sa Tarlac na umpisahan na ang komersyal na produksyon ng mga buto para maibenta sa mga malunggay growers. Maaari ring makapagsanay ang mga interesadong magtanim ukol sa komersyal na pagtatanim ng malunggay na napatunayan na ng center katuwang ang Bureau of Plant Industry (BPI), DA-Regional Field Unit III, DA-BPO at National Agribusiness Corp. (Nabcor).

Ang Tarlac BIONet-BIOCommerce Information Resource Center ay isang epektibong katuwang ng Malunggay BIOCommerce Center sapagkat lahat ng impormasyon at matagumpay na gawain at resulta ng ating adbokasiya at programa sa malunggay ay maitatala.

Samantala, maganda ang naging pagtanggap ng mga kababayan kong Tarlakenyo sa binuksang BIONet-BIOCommerce Information Resource Center. Sa katunayan, mabilis na naubos ang mga reading at information materials na aming dinala doon. Naging interesado ang mga dumalong magsasaka sa mga benepisyong hatid ng bioteknolohiya, lalo na sa pagpapataas ng antas ng kanilang produksyon. Nakita namin na bukas ang isipan ng mga taga-Tarlac sa hatid na tulong ng biotek sa kanilang pamayanan.

Isipin ninyo na lang kung gaano karaming malunggay ang papatubuin sa Tarlac kapag naglaon!

Masaya rin ako na matagumpay ang kauna-unahang Malunggay BIOCommerce Center sa Tarlac. Maganda ang trabahong ginawa ni Dr. Irene Adion sa pag-aalaga sa mga itinanim na malunggay dito.

Ang departamento at ang BIONet Pilipinas ay positibo na ang malunggay initiative sa probinsya ng Tarlac ay matutuloy at nawa’y maging matagumpay upang tayo ay makatulong sa maraming magsasaka sa probinsya ng Tarlac. Ito ay ang ating mithiin at kontribusyon sa pagpapaunlad ng probinsya—at sa mga susunod na pagkakataon, ng mas maraming lokal na sektor sa bansa.

Alicia Ilaga is the Director of the DA Biotechnology Program Office (BPO) and is also the Vice-President for Luzon of BIONet.

Back to top

Santo Papa maglalabas ngpahayag hinggil sa gamit ng biotechnology

BIONet-BIOCommerce Center pauunlarin ang Tarlac

Pagtatanim ng malunggay pinaigting ng Cavite

QC may malunggay park na

Seminar ng wastong pagtatanim ginanap sa Cam Sur

Pribadong sektor magtatayo ng plant ng malunggay sa Marawi

DA: malaki kita sa mais

Editorial

Sumusulong ang biotek

Columns

Dr. Gaudencio C. Petalcorin, Jr.

Alicia Ilaga

Nanet Tanyag

Directory

Archives

September 2007

October 2007
November 2007

December 2007
January 2008
February 2008
March 2008
April 2008
May 2008

Membership Form


BIONet Pilipinas is published monthly by the Biotechnology Information and Organization Network
in cooperation with the Biotechnology for Life Media and Advocacy Resource Center with editorial offices at The Advocacy House, No. 8 Scout Chuatoco St., Roxas District, Quezon City.
Telefax (02) 4137293 and (02)3728560. Editors: Nanet Tanyag, Enrimand Dejeto and June Rodriguez.
Email address:
bionetpilipinas@gmail.com. Website:
www. biotechforlife.com.ph