|
||
|
July 2008 |
||
|
. |
||
|
Walang dapat aksayahing sandali
Hindi na dapat pang ipagpabukas ang pagbibigay ng mga gantimpala o insentibo ang ating mga magigiting na biotechnologist para sa kanilang mga ginagagawang pananaliksik. Ang kanilang pagsisikap upang malinang ang mga pananim at na bukod sa may pananggalang sa sakit ay nakapagbibigay pa ng mas malaking ani ay hindi dapat na balewalain. Wala nang dapat na aksayahing sandali para sa komersyalisasyon ng kanilang mga tuklas. Ang ating mga siyentipiko ay malaon nang kasama ng Department of Agriculture (DA) sa paglinang ng mga mga produkto ng biotechnology para sa agrikultura para sa komersyalisasyon ng mga ito, at proteksyon ng mga tinatawag na intellectual property rights (IPR). Ganito din ang naging resulta pag-aaral na isinagawa ng Philippine Rice Research Institute sa pakikipagtulungan ng Sikap/ Strife Foundation. Mayorya ng mga naging respondents na mananaliksik sa isinagawang survey ay naniniwalang dapat na malaman ng publiko ang resulta ng research and development (R&D). Bukod dito, lamang din ang bilang ng mga naniniwalang dapat maging commercialized ang ang mga ito. Ano nga ba ang silbi ng mga bagong produkto, na dumaan sa napakaraming pagsusuri ng mga dalubhasa at napatunayang ligtas ay mananatiling, kung ang mga ito ay mananatiling nakapiit sa apat na kanto ng mga laboratoryo? Nais malamang ng mga nakakandado ang isipan na matulad sa kanilang mga kaisipan ang mga produkto ng makabagong teknolohiya. Sila ang lihis pa din ang paniniwala, at nangangambang maaaring makapaminsala ang mga produkto ng biotechnology sa kalusugan ng mga tao at sa kalikasan. Ayon sa mga mananaliksik, na panig sa komersyalisasyon ng mga produktong biotech, malulutas nito ang ating suliranin sa pagkain, kawalan ng hanapbuhay at kahirapan. Mabibiyayaan din ang madla sa mas mabilis na access sa mga produkto ng makabagong teknolohiya. Magkaisa kami ng mga respondents sa paniwalang balewala ang paglinang ng mga produktong biotech kundi din lang mapapakinabangan ng madla. Gayunpaman, may maliit na bahagi pa din ng mga respondents na sumasalungat sa paniniwala naming ito, at nagpahayag na maaaring may magsamantala at magkamal ng salapi sa mga produktong ang pagtuklas ay pinondohan ng estado. Malaking bagay ang gagampanan ng IPR sa komersyalisasyon ng mga produktong biotech. Nababahala ang mga siyentipiko kung paanong bibigyang-proteksyon ang mga mananaliksik at developers kung magiging commercialized ang mga ng produkto. Ang kanilang agam-agam ay patunay na hindi salat sa kaaalaman ang mga respondents sa biotechnology at IPR. Sa ganang akin, mauuwi sa wala ang hirap at pasakit ng ating mga siyentipiko kung ang kanilang mga tuklas ay aagiwin sa mga laboratoryo. Kung ito ay magaganap, ang lalabas na talo, sa malao’t madali, ay ang sambayanang Pilipino. Si Nanet Tanyag ang Deputy Executive Director ng Biotechnology for Life Media and Advocacy Resource Center. |
P2-M sa pagtatanim ng malunggay sa Tarla pamamahalaan ng BIONet Pamamaraan sa pagpupunla ng malunggay Nangungunang pagkain, pinagkakakitaan din sa Ilocos Landbank-Laguna, popondohan ang malunggay sa pamamagitan ng CLAP Editorial Columns Dr. Gaudencio C. Petalcorin, Jr. Nanet Tanyag Archives
December 2007 |
|
|
|
||
|
BIONet
Pilipinas
is published monthly by the Biotechnology Information and Organization
Network in cooperation with the Biotechnology for Life Media and Advocacy Resource Center with editorial offices at The Advocacy House, No. 8 Scout Chuatoco St., Roxas District, Quezon City. Telefax (02) 4137293 and (02)3728560. Editors: Nanet Tanyag, Enrimand Dejeto and June Rodriguez. Email address: bionetpilipinas@gmail.com. Website: www. biotechforlife.com.ph |
||
|
|
||