|
||
|
July 2008 |
||
|
. |
||
|
Landbank-Laguna, popondohan ang malunggay sa pamamagitan ng CLAP Ni ANGELICA G. CARBALLO SA kauna-unahang pagkakataon ay pinondohan ng Landbank-Laguna ang pagtatanim ng malunggay sa inisyatiba ng Cooperative Livelihood Assistance Program o CLAP. Kamakailan ay inilunsad ang kauna-unahang malunggay nursery sa bayan ng Magdalena na pinuhunanan ng Landbank-Laguna, ang “Miracle Malunggay: Kikita Ka Na, Lulusog Ka Pa,” isang proyekto ng Enterprise and Sustainable Livelihood Multi-purpose Cooperative (ESLMPC). Ayon kay Dolly Libunao ng Development Assistance Center Area 4B ng Landbank Laguna, ang proyektong ito ng ESLMPC ang unang programang nakatuon sa pagtatanim ng malunggay na pinondohan sa pamamagitan ng pagpapautang ng Landbank.
“Kung ang isang kooperatiba ay hindi makapasa sa regular lending program ng Landbank, mayroon pang advocacy program kung saan kailangan lamang na magkaroon ng marketing program ang income generating project, para sigurado ang pagbalik ng pera,” dagdag pa ni Libunao. Sa pakikipagpanayan naman ng BIONet kay Wilmer Lebria, chairman ng ESLMPC, sinabi nyang nais ng ESLMPC na ipakalat ang pagtatanim ng malunggay dahil sa sustansya at nutrisyong nakukuha dito at pati na rin upang tulungan ang mga miyembro nito na kumita sa pagtatanim ng miracle gulay. Ang proyektong ito ay inilunsad upang ituro sa mga mamamayan ng Laguna ang kahalagahan ng malunggay. “Gusto kong imulat ang Sangguniang Kabataan, ang mga local government units (LGUs) na mag-engage sa livelihood na hindi lang basta kikita kundi lulusog pa.” ani pa ni Lebria. Sa ngayon, ang ESLMPC ay kinontrata na upang magtanim ng malunggay sa 60 hektaryang lupa sa Laguna, bukod pa ang 40 hektarya sa Sta. Maria, 8 hektarya sa Mahayhay, 3 hektarya sa Pila, 2 hektarya sa Sta. Cruz, at iba pa. Bukod dito ay nakatakda ring bilhin ng Secura International ang mga malunggay na aanihin ng nasabing nursery. Kasama sa mga dumalo sa programa si Dennis Lazaro, provincial administrator ng lalawigan ng Laguna, mga baranggay officials ng Magdalena, Sangguniang Kabataan (SK), kababaihan, Department of Education, mga magsasaka, health and nutrition scholars, at mga mamamayan ng Laguna. |
P2-M sa pagtatanim ng malunggay sa Tarla pamamahalaan ng BIONet Pamamaraan sa pagpupunla ng malunggay Nangungunang pagkain, pinagkakakitaan din sa Ilocos Landbank-Laguna, popondohan ang malunggay sa pamamagitan ng CLAP Editorial Columns Dr. Gaudencio C. Petalcorin, Jr. Archives
December 2007 |
|
|
|
||
|
BIONet
Pilipinas
is published monthly by the Biotechnology Information and Organization
Network in cooperation with the Biotechnology for Life Media and Advocacy Resource Center with editorial offices at The Advocacy House, No. 8 Scout Chuatoco St., Roxas District, Quezon City. Telefax (02) 4137293 and (02)3728560. Editors: Nanet Tanyag, Enrimand Dejeto and June Rodriguez. Email address: bionetpilipinas@gmail.com. Website: www. biotechforlife.com.ph |
||
|
|
||