A monthly newsletter of the

Biotechnology Information and Organization Network

July 2008

.

ULAT NG PAMBANSANG PANGULO

Moringa Industry  Cluster
sa  CARAGA itatatag

KATATAPOS lamang ng  matagumpay na pagpapasinaya sa Butuan BIOCommerce Center noong ika-3 ng Hulyo ng taong ito.

Matapos ang pagbubukas ng naturang sentro, pinagkakaabalahan naman ngayon ng buong rehiyon ng Caraga  ang pagtatatag ng isang  Moringa Industry Cluster.

Sa palatuntunan sa pagbubukas ng Butuan BIOCommerce Center, isiniwalat ng inyong lingkod at ni Direktor Alicia Ilaga ng Department of Agriculture-Biotechnology Program Office (DA-BPO) ang mga natatanging katangian ng Moringa para sa kalusugan at ang potensyal nitong pang-ekonomiya.

Mainit na tinanggap ng mga panauhing pandangal ang impormasyong ito tungkol sa Moringa. Kasama sa mga nagsidalo sa naturang okasyon ay sina Direktora Carmencita Cochingco ng National Economic Development Authority (NEDA)-Caraga at Direktor Lyndo Villacorta ng Department of Science and Technology (DOST)-Caraga.

Noong ika-4 ng Hulyo, nakipagpulong ang National Council ng Biotechnology Information and Organization Network (BIONet) kay Direktor Brielgo Pagaran ng Department of Trade and Industry (DTI)-Caraga sa kanyang tanggapan.

Dito naipaliwanag ng inyong lingkod sa butihing direktor kung paano makakatulong ang paglinang ng Moringa sa mga mahihirap nating magsasaka.

Bukod sa tulong sa kanila, napag-usapan din namin  kung paano, at ano ang maitutulong ng Moringa sa pagpapainam ng industriya sa isang lugar.

Pagkatapos ng pulong, nagdesisyon si Direktor Pagaran na ang DTI-Caraga ay magpapalabas ng pondo para sa isang “Moringa Forum.”

Napagkasunduan na ang Moringa Forum ay gaganapin sa Agosto 15, 2008 sa Luciana Convention Center, Butuan City. Ang aktibidad na ito ay ang unang hakbang para maitatag ang Moringa Industry Cluster sa rehiyon.

Ang mga resource speakers ay kinabibilangan nina Direktor Ilaga, Engr. Danilo Manayaga ng Secura International, Direktor Carmencita Cochingco at ang inyong lingkod. Ang mga dadalo ay kinabibilangan ng mga magsasaka, mga kinatawan ng mga financial institutions, regional line agencies, at LGUs.

Ang DTI-Caraga ang magsisilbing Secretariat kasama ang mga tagapangasiwa ng National Economic Research and Business Assistance Center (NERBAC)–Caraga. Ang magdodokumento ay ang Biotechnology Media Advocacy Resource Center (BMARC) na pinangunguhan nina Direktor Joel Paredes, Direktor Nanet Tanyag at Direktor June Rodriguez.

Magpapalabas din ng pondo ang NEDA-Caraga at inaasahan din na magbibigay ng tulong ang DA-Regional Field Unit XIII at Department of Agrarian Reform (DAR)-Caraga.

Kung maganda ang magiging resulta ng Moringa Forum at magbibigay ng manifesto ang mga dadalo na karapat-dapat na magkakaroon ng Moringa Industry Cluster, pipili ng isang lead government agency na siyang tutulong sa pribadong sektor para makagawa ng isang “background paper.”

Ito ay maglalaman sa mga impormasyon ukol sa kakayahan ng rehiyon para maisulong ang industrya, “supply chain analysis,” at mga estratihiyang gagamitin para maabot ang optimal na potensyal ng industriya.

Ang Regional Development Council (RDC) ang magpapasya kung kikilalanin ang isang industriya na prayoridad sa rehiyon base sa “background paper” nito.

Gaudencio C. Petalcorin, Jr.,Ph.D, Professor, College of Science & Mathematics, MSU-Iligan Institute of Technology. Former Vice President for Academic Affairs, Research & Extension, Northern Mindanao State Institute of Science & Technology. Former Consortium Director, Caraga Consortium for Agriculture, Forestry and Resources Research & Development

Back to top

P2-M sa pagtatanim ng malunggay sa Tarla pamamahalaan ng BIONet

Abaca pinalalakas sa Caraga

Pamamaraan sa pagpupunla ng malunggay

Nangungunang pagkain, pinagkakakitaan din sa Ilocos

Landbank-Laguna, popondohan ang malunggay sa pamamagitan ng CLAP

Editorial

Panahon na

Columns

Dr. Gaudencio C. Petalcorin, Jr.

Alicia Ilaga

Nanet Tanyag

Directory

Archives

September 2007

October 2007
November 2007

December 2007
January 2008
February 2008
March 2008
April 2008
May 2008
June 2008

Membership Form


BIONet Pilipinas is published monthly by the Biotechnology Information and Organization Network
in cooperation with the Biotechnology for Life Media and Advocacy Resource Center with editorial offices at The Advocacy House, No. 8 Scout Chuatoco St., Roxas District, Quezon City.
Telefax (02) 4137293 and (02)3728560. Editors: Nanet Tanyag, Enrimand Dejeto and June Rodriguez.
Email address:
bionetpilipinas@gmail.com. Website:
www. biotechforlife.com.ph