A monthly newsletter of the

Biotechnology Information and Organization Network

July 2008

.

Mayroong himala

LAGUNA, nang ikaw ay marating ko, buhay ko ay nagbago.

Ganito ang takbo ng isang sikat na awitin noon. Binago ng Laguna ang buhay ng may-akda ng awit. 

Sa pagkakataong ito, ang bayan naman ng Laguna ang babaguhin ng isang tanim na sa kanya ay dumating, ang malunggay.

Sa pakikipagtulungan ng Cooperative Livelihood Assistance Program (CLAP), nagbukas ang Landbank of the Philippines-Laguna ng isang financial facility para sa mga magtatanim ng malunggay sa Magdalena, Laguna.

Ang proyektong pinangalanang “Miracle Malungggay, Kikita Ka Na, Lususog Ka Pa” ang kauna-unahang proyekto para sa malunggay na pinondohan ng LandBank-Laguna. Ang proyekto ay naglalayong imulat ang Laguna sa kahalagahan ng tinaguriang “power gulay.”

Walang magbababaang mga arkanghel mula sa kalangitan, ngunit totoong sa malunggay, tiyak na lulusog ka na ay kikita ka pa.

Dumalo sa pagpapasinaya sina Dennis Lazaro, provincial administrator ng Laguna, Department of Agriculture-Biotechnology Program Office, mga opisyal ng barangay sa Magdalena at mga miyembro ng Sangguniang Kabataan (SK), mga kawani ng Department of Education-Laguna, Philippine Information Agency, health at nutrition scholars at mga lokal na residente.

Malaon nang tagasuporta ng mga proyekto ng Department of Agriculture-Biotechnology Program Office (DA-BPO) ang gobernadora ng Laguna na si Teresita Lazaro.

Nagpapamahagi ang lokal na pamahalaang ng probinsya bayan ng mga kaalaman hinggil sa mga oportunidad pangkabuhayang dulot ng biotechnology at malunggay, bukod sa marubdob na pakikibahagi sa BIONet-BIOCommerce.

Nananalig ang mga mga mamamayan ng probinsya ng Laguna na sa pamamagitan ng  malunggay at biotechnology, makakamit ang inaasam na seguridad sa pagkain at modernisasyon,  makakatulong sa mga magsasaka, at mabibigyan ng dagdag na pagkakakitaan ang mga komunidad at sa dakong huli ay maiaangat ang antas ng pamumuhay ng mga mamamayan ng probinsya.

Kaugnay nito, ang Development Assistance Center Area 4B ng LandBank-Laguna ay nagsasagawa na ng pananaliksik ukol sa malunggay.

Nais naman ng Enterprise and Sustainable Livelihood Multi-purpose Cooperative (ESLMPC) , na kasama din sa proyekto, na magkaroon ng malawakang pagtatanim ng malunggay sa Laguna dahil sa kabutihang dulot nito sa kalusugan, at sa potensyal nitong makapagbigay ng karagdagang kita.

May 3-˝ ektarya na ng lupain ang ginawang malunggay nursery at seedbank ng ESLMPC. Tutugunan nito ang pangangailangan sa buto ng malunggay ng mga plantasyon sa ikalawa’t ikatlong distrito ng Laguna.

Bawat distrito ng probinsya ay makikilahok sa proyektong ito sa malunggay, na magiging pangunahing prayoridad para sa pagsulong ng agrikultura sa probinsya.

Tunay ngang malaki’t mala-milagro ang maitutulong ng proyektong ito hindi lamang sa pagpapalaganap ng pagtatanim ng malunggay, kundi pati sa pamumuhay ng mga mamamayan ng Laguna.

Alicia Ilaga is the Director of the DA Biotechnology Program Office (BPO) and is also the Vice-President for Luzon of BIONet.

Back to top

P2-M sa pagtatanim ng malunggay sa Tarla pamamahalaan ng BIONet

Abaca pinalalakas sa Caraga

Pamamaraan sa pagpupunla ng malunggay

Nangungunang pagkain, pinagkakakitaan din sa Ilocos

Landbank-Laguna, popondohan ang malunggay sa pamamagitan ng CLAP

Editorial

Panahon na

Columns

Dr. Gaudencio C. Petalcorin, Jr.

Alicia Ilaga

Nanet Tanyag

Directory

Archives

September 2007

October 2007
November 2007

December 2007
January 2008
February 2008
March 2008
April 2008
May 2008
June 2008

Membership Form


BIONet Pilipinas is published monthly by the Biotechnology Information and Organization Network
in cooperation with the Biotechnology for Life Media and Advocacy Resource Center with editorial offices at The Advocacy House, No. 8 Scout Chuatoco St., Roxas District, Quezon City.
Telefax (02) 4137293 and (02)3728560. Editors: Nanet Tanyag, Enrimand Dejeto and June Rodriguez.
Email address:
bionetpilipinas@gmail.com. Website:
www. biotechforlife.com.ph