A monthly newsletter of the

Biotechnology Information and Organization Network

July 2008

.

Editorial

Panahon na

ANG patuloy na paglaganap ng BIONet at BIOCommerce Centers sa buong bansa
ay malinaw na patotoo na tanggap na ng maraming mamamayan ang halaga ng bioteknolohiya.

Kamangha-mangha ang mabilis na paglaganap ng mga naturang centers kasabay na rin ng malawak na pagtanggap ng bioteknolohiya bilang isang siyentipikong paraan upang umunlad hindi lamang ang pagsasaka kundi pati na rin ang iba’t ibang industriya na nakikinabang sa mga prosesong bioteknolohikal.

Subali’t ang higit na mahalaga ay tanggap na rin ng simbahan na ang sistemang bioteknolohikal ay mahalaga upang masugpo ang laganap na kagutuman at kahirapan sa iba’t ibang sulok ng daigdig.

Sapagka’t unti-unti na ring lumiliwanag ang mga isyung dating bumabalot sa bioteknolohiya, dumarami ngayon ang naniniwala na walang batayan ang pagkahintakot ng marami sa mga genetically enhanced na produkto o tinatawaga na GMO at ang iba’t ibang pananim na nagmula sa pananaliksik at pagpapaunlad sa pamamagitan ng bioteknolohiya.

Ang napakalaking suliranin sa sapat na pagkain at ang kasalatan sa ani ng iba’t ibang uri ng pananim ang maaaring nagbunsod sa marami na muling sipatin ang mga atake sa GMOs at suriing maigi ang mga puna laban dito.

Dito marahil nauugat ang pagbabago ng pananaw hinggil sa mga GMOs, na sinasabing susi sa masaganang ani at mataas na kita ng mga magsasaka at ng sinumang nangangalakal sa mga ito.

Wasto rin naman na iwaksi ng lahat ang takot na nababatay sa maling akala o lihis na kaalaman.

Sa panahon na lumalago ang bilang ng mga Pilipino, ang pangangailangan ay palakasin ang pagsasaka, pataasin ang ani, patatagin ang presyo ng batayang bilihin gaya ng pagkain. Dito mababadya ang napakahalagang papel ng bioteknolohiya.

Ang pagtaas ng ani ng mais at pati na rin doon sa makabagong uri ng palay ay magandang balita sa lahat.

Higit na magandang balita pa ang mababanaagan ng lahat kung sa huli ay mapatunayang walang kapararakan ang mga batikos laban sa bioteknolohiya.
Sa yugtong ito, magkakaisa ang lahat at kikilos upang mapawi ang takot, mawasto ang pagkakamali at nang sa gayon ay umunlad ang ating bansa.

Back to top

P2-M sa pagtatanim ng malunggay sa Tarla pamamahalaan ng BIONet

Abaca pinalalakas sa Caraga

Pamamaraan sa pagpupunla ng malunggay

Nangungunang pagkain, pinagkakakitaan din sa Ilocos

Landbank-Laguna, popondohan ang malunggay sa pamamagitan ng CLAP

Editorial

Panahon na

Columns

Dr. Gaudencio C. Petalcorin, Jr.

Alicia Ilaga

Nanet Tanyag

Directory

Archives

September 2007

October 2007
November 2007

December 2007
January 2008
February 2008
March 2008
April 2008
May 2008
June 2008

Membership Form


BIONet Pilipinas is published monthly by the Biotechnology Information and Organization Network
in cooperation with the Biotechnology for Life Media and Advocacy Resource Center with editorial offices at The Advocacy House, No. 8 Scout Chuatoco St., Roxas District, Quezon City.
Telefax (02) 4137293 and (02)3728560. Editors: Nanet Tanyag, Enrimand Dejeto and June Rodriguez.
Email address:
bionetpilipinas@gmail.com. Website:
www. biotechforlife.com.ph