|
||
|
July 2008 |
||
|
. |
||
|
P2-M sa pagtatanim ng
malunggay PATULOY ang trabaho ng Biotechnology Information and Organization Network (BIONet) at ng tinaguriang “power gulay,” ang malunggay, sa lalawigan ng Tarlac, matapos na maglaan ang pamahalaanag panlalawigan ng P2-milyong pondo para sa malawakang pagtatanim nito sa buong probinsya na pamamahalaan BIONet. Ang Malunggay Project ay ipinagpupursigi ni Governor Victor A. Yap bilang alternatibong solusyon sa laganap na malnutrisyon sa probinsya, bukod pa sa layuning mabigyan ng karagdagang kita ang mga magsasaka sa Tarlac. Babayaran ng pamahalaang panlalawigan ng Tarlac, sa pamamagitan ng Office of the Provincial Agriculturist, ng P2 bawat mabubuhay na itatanim na malunggay na ipupunla ng mga magsasaka at residente sa kanilang mga bakuran dalawa o tatlong buwan matapos ang pagtatanim.
“Hindi kami titigil hanggang mayroong agricultural land o likodbahay na hindi natatamnan ng malunggay,” ayon sa opisina ng Tarlac Provincial Agriculturist na pinamumunuan ni BIONet National Secretary Edwina K. Tabamo. Kaugnay nito, itinalaga ni Tabamo sina Celso Torres, High-Value Commercial Crops (HVCC) Coordinator at. Ryan “PJ” Rivera upang tutukan ang koordinasyon, pagpupulong at field evaluation para sa Malunggay Project, ang pagbibigay ng kinakailangang impormasyon sa mga magtatanim at mga mamamahayag ukol sa proyekto Hiniling din ni Tabamo ang kooperasyon at tulong ng lahat ng Municipal Agricultural and Fisheries Councils (MAFCs) buhat sa mga munisipalidad at kay Bayani de la Cruz, puno ng Provincial Agriculture and Fisheries Council (PAFC) upang mapadali ang pagsu-survey ng lahat ng puno ng malunggay sa 511 barangay sa probinsya. Base sa huling tala, mayroong tinatayang126,659 puno ng malunggay sa probinsya na maaaring pagkuna ng ng mga cuttings at iba pang planting materials. Patuloy ang panghihikayat ng opisina ng provincial agriculturist sa lahat ng mga Tarlaceño na lumahok sa produksyon ng malunggay at inabisuhan din ang mga kapitan ng barangay at yaong mga namamahala so komite sa agrikultura sa buong probinsya Matapos ang serye ng mga pulong at information drive, ang mga munisipalidad ng Bamban, Victoria, Anao, Ramos at San Manuel ay nakapagtanim na ng 80,000 malunggay cuttings. |
P2-M sa pagtatanim ng malunggay sa Tarla pamamahalaan ng BIONet Pamamaraan sa pagpupunla ng malunggay Nangungunang pagkain, pinagkakakitaan din sa Ilocos Landbank-Laguna, popondohan ang malunggay sa pamamagitan ng CLAP Editorial Columns Dr. Gaudencio C. Petalcorin, Jr. Archives
December 2007 |
|
|
|
||
|
BIONet Pilipinas
is published monthly by the Biotechnology Information and Organization
Network |
||
|
|
||