|
||
|
January 2008 |
||
|
. |
||
|
Malunggay,
maaaring pagkunan Nanindigan ang mga bumibisitang masteral students ng Massachusetts Institute of Technology (MIT) na ang gulay na isinusulong ng Kagawaran ng Agrikultura bilang panlaban sa gutom at malnutrisyon, ang malunggay (Moringa oleifera Lamk), ay mainam ding pagkunan ng biofuel. Ito ang naging resulta ng pagisiyasat nina Jesus Benavides ng Mexico, Alex Rall ng Germany, David Salamon ng France at Jose Torbay ng Venezuela, mga mag-aaral ng Sloan School of Management ng MIT sa Boston, na sinuri ang industriya ng malunggay sa bansa bilang bahagi ng kanilang requirement para sa kursong Global Entrepreneurship Laboratory.
Nalugod naman sa pahayag na ito ang mga dalubhasa sa biotecknolohiya dahil sa nakakita silang kaalyado sa kampanya upang paimbulugin ang tinaguriang “miracle tree” bilang pagkukunan ng langis na maaaring gamitin sa pagluluto at sa iba’t ibang makinang pang-sasakyan. Karamihan umano sa biofuel buhat sa malunggay ay galing sa langis na mapipiga mula sa mga buto nito, na sinasabing binubuo ng 36 porsiyentong langis. Ang “high rate of extraction” na ito ang isa sa mga dahilan kung bakit sa ngayo’y hindi magkamayaw ang mga mamumu-hunan sa pinaplanong malawakang pagtatanim ng malunggay. Ang binabalak na malawakang pagtatanim na ito ay maaaring magpalaki ng kita ng mga magsasaka, at binigyang-diin ng mga estudanteng nabanggit na nararapat na samantalahin ng Pilipinas ang pagkakataong palawigin ang pagtatanim ng malunggay na posible ding makapagbigay ng mga trabaho at iangat ang pamumuhay sa kanayunan. Iginiit din ng mga mag-aaral ng MIT na malaki ang pangangailangan para sa malunggay oil o moringa oil sa pandaigdigang pamilihan. Bukod sa biofuel, sinabi ng mga mag-aaral na maari ding maging resulta ng malawakang pagtatanim ng malunggay ang pakikilahok sa industriya ng “high-end cosmetics” at ang produksyon ng mga pinatuyong dahon para sa pagkain ng tao at hayop. Matapos na marinig ang presentasyon ng mga estudyante ng MIT students at ang kanilang rekomendasyong linanging lubos ang malunggay oil bilang pagkukunan ng biofuel, hinikayat nina Marco Magpili Jr, bise presidente ng Philippine Agricultural Development Commercial Corp., isang corporate arm ng DA, at Dr. Dr. Virginia Teodocio, isang consultant ng Department of Energy (DOE) at miyembro ng National Biofuels Board (NBB), ang Secura International Corp., isang lokal na biotechnology firm at siyang nanguna sa pagpiga ng langis mula sa malunggay, na magbigay ng presentasyon sa kani-kanilang mga grupo. Si Teodocio, na nagpasimula ng malawakang kultibasyon ng jatropha, o tuba-tuba, ay namangha dahil sa ang malawakang pagtatanim ng moringa ay maari umanong makapagbigay ng langis na makapagpapalaki sa supplu ng hilaw na sangkap para sa produksyon ng biofuel. Nais naman ni Magpili na malaman kung maaaring mai-intercrop ang malunggay sa niyog, at binigyang-diin ang potensyal nitong makapagpalaki ang kita ng mga magsasaka. Nagbigay ng dagdag na kabuluhan ang rekomendasyon ng mga estudyante sa pagpupunyagi ng Department of Agriculture – Biotechnology Program Office sa pangunguna ni Director Alicia Ilaga para sa malawakang pagtatanim ng malunggay. |
Potensiyal ng mais pinalakas ng makabagong teknolohiya Malunggay hudyat ng pagsulong ng pagsasaka sa siyudad Pagpapaganda, bagong larangan ng biotechnology Malunggay, maaaring pagkunan ng biofuel Editorial Columns Dr. Gaudencio C. Petalcorin, Jr. Archives |
|
|
|
||
|
BIONet
Pilipinas
is published monthly by the Biotechnology Information and Organization
Network in cooperation with the Biotechnology for Life Media and Advocacy Resource Center with editorial offices at The Advocacy House, No. 8 Scout Chuatoco St., Roxas District, Quezon City. Telefax (02) 4137293 and (02)3728560. Editors: Nanet Tanyag, Enrimand Dejeto and June Rodriguez. Email address: bionetpilipinas@gmail.com. Website: www. biotechforlife.com.ph |
||
|
|
||