|
||
|
January 2008 |
||
|
. |
||
|
ULAT NG PAMBANSANG PANGULO Ang BIONet sa bagong taon
Layon ng Biotechnology Information and Organization Network (BIONet) na magkaroon ng kongkreto’t kapansin-pansing patunay ng mga nakamit nito para sa taong kasalukuyan. Ngayong Pebrero ay inaasahang rehistrado na sa Securities and Exchange Commission (SEC) ang organisasyon, kaalinsabay ng paglulunsad ng mga BIOCommerce Centers sa Butuan at Tarlac. Sa First Quarter National Council Meeting, tatalakayin ang mga estratehiya sa pagpapalakas ng mga sangay sa mga rehiyon at probinsya, pati ang mga “terms of reference” para sa BIONet-BIOCommerce Centers. Para naman sa second quarter, isang pangkalahatang pagtitipon ang idaraos, na dadaluhan ng mga kasapi ng National Council, Regional Representatives at Provincial Focal Persons. Inaasahang pagkatapos ng pagtitipon ay magkakaroon na ng tinatawag na “Action Plans” para sa huling anim na buwan ng 2008 at unang kalahati ng 2009. Puspusang makikipag-ugnayan ang National Council sa mga biotechnology companies at bibigyan sila ng kaalaman upang matukoy ang kanilang mga ang mga pangangailangan para sa mga hilaw na sangkap para sa agrikultura. Sa tulong ng mga Regional Field Units (RFUs) ng Department of Agriculture (DA), magtitipon ng datos ang BIONet para sa “crop suitability” para sa bawat rehiyon. Isang “database” na naglalaman ng mga “profile” ng mga kumpanyang biotek, mga miyembro ng BIONet at mga “agricultural profile” ng iba’t ibang rehiyon ang sisimulang ayusin para naman sa the third quarter. Mahalaga ito para sa “business matching initiative” ng organisasyon at magagamit ding batayan sa paggawa ng mga importanteng desisyon. Paiinamin ding lubos ang ugnayan sa DA at iba pang ahensya upang mapadali at mapabuti ang pagpapatupad ng mga proyekto para sa mga komunidad. Wala ding aaksayahing sandali at lakas ang BIONet upang makatulong sa pambansang laban sa kahirapan, upang makapag-ambag sa layunin ng kasiguruhan sa pagkain at makapagbigay ng trabaho, para sa pangkalahatang adhikaing maiangat ang pamumuhay ng bawat Pilipino. Gaudencio C. Petalcorin, Jr.,Ph.D, Professor, College of Science & Mathematics, MSU-Iligan Institute of Technology. Former Vice President for Academic Affairs, Research & Extension, Northern Mindanao State Institute of Science & Technology. Former Consortium Director, Caraga Consortium for Agriculture, Forestry and Resources Research & Development |
Potensiyal ng mais pinalakas ng makabagong teknolohiya Malunggay hudyat ng pagsulong ng pagsasaka sa siyudad Pagpapaganda, bagong larangan ng biotechnology Malunggay, maaaring pagkunan ng biofuel Editorial Columns Dr. Gaudencio C. Petalcorin, Jr. Archives |
|
|
|
||
|
BIONet
Pilipinas
is published monthly by the Biotechnology Information and Organization
Network in cooperation with the Biotechnology for Life Media and Advocacy Resource Center with editorial offices at The Advocacy House, No. 8 Scout Chuatoco St., Roxas District, Quezon City. Telefax (02) 4137293 and (02)3728560. Editors: Nanet Tanyag, Enrimand Dejeto and June Rodriguez. Email address: bionetpilipinas@gmail.com. Website: www. biotechforlife.com.ph |
||
|
|
||