|
||
|
January 2008 |
||
|
. |
||
|
Ang 'power gulay'
KAMAKAILAN ay naging panauhin ng kagawaran ang apat na mag-aaral ng Massachusetts Institute of Technology (MIT) na pumunta sa Pilipinas upang pag-aralan ang potensyal ng malunggay sa pandaigdigang kalakalan. Ayon sa kanilang pag-aaral, malaki ang potensyal ng malunggay sa aspeto ng ekonomiya, lalo’t higit na pagtutuunan ng pansin ang paggawa ng biofuel mula sa buto ng malunggay. Bakit ba mahalaga ang ideya na gumawa ng langis mula sa buto ng malunggay, gayong mayroon namang buko o niyog na sa unang tingin pa lamang ay alam mo nang mas marami na ang lamang langis? Kung susuriin, kulang na kulang ang ating supply ng niyog para tugunan ang pangangailangan ng iba’t ibang industriya. Ang langis ng niyog, gaya ng malunggay oil ay “all-purpose.” Bukod sa pagluluto, gamit din ito sa paggawa ng mga personal health care products katulad ng virgin coconut oil (VCO) at VCO-based na sabon at shampoo. Ang copra buhat sa niyog ay isa sa mga pangunahing produktong inaangkat ng ibang bansa mula sa Pilipinas. Bunsod ng pagkakasabatas ng Biofuels Act, inaasahang kakapusin ng niyog na magagamit para sa paggawa ng biofuel. At dahil naging mainit ang debate tungkol sa posibilidad na kapusin tayo ng pagkain kapag ang mga mag-sasaka ay magtanim ng alternatibong pagkukuhanan ng langis katulad ng jatropha dala ng kakulangan ng lupang pagtatamnan, tamang-tama ang oportunidad na subukan ang malunggay bilang kapalit na “all-purpose oil.” Sapat ang lupain na pwedeng pagtaniman ng malunggay dahil madali itong itanim, katulad ng mga lugar na natabunan ng lahar, tabing dagat, o bahagyang matarik na kabundukan, kung saan walang gaanong tubig. Ayon sa pagsusuri, naglalaman ang buto ng malunggay ng 36 porsiyentong langis na maaring gamitin ng tao sa lahat ng pangangailangan – ito man ay pangluto, pamahid, bilang sangkap sa mga personal na beauty products, bilang grasa o lubricant, o bilang sangkap ng biofuel, ayon sa mga estudyante ng MIT. Hindi bago ang kaalaman na iyan para sa amin sa kagawaran. Sa pamamagitan ng biotechnology, madaling mapipiga ang purong langis mula sa buto ng malunggay. Alam ba ninyo na kung hindi gagamit ng pamamaraan ng biotechnology, kinakailangang gumamit ng 12 kilo ng buto ng malunggay para makagawa ng isang litro ng langis? Sa pamamagitan ng biotechnology, dalawa hanggang tatlong kilo lamangng ang kailangan para makagawa ng isang litrong langis. Ito ang dahilan kung bakit hindi kami nag-aalinlangan na isulong ang isang programa upang hikayatin ang pagtatanim ng naturang “miracle tree” upang solusyonan ang nararanasang kahirapan, lalo na ng mga maliliit na magsasaka. Ilang buwan pa lamang ang nakalilipas ay inilunsad natin ang “Malunggay in the City” bilang tugon sa hamon ng kagutuman at malnutrisyon. Bukod kasi sa sustansya ng dahon at bunga nito bilang “gulay” ang langis na makukuha mula sa buto nito ay masustansya o “healthy oil” na walang masamang epekto sa katawan ng tao kung ito ay gagamitin sa pagluluto. Ibig sabihin, kung ito ay “healthy oil,” mas mabibili ang malunggay oil para sa pagluluto o sangkap ng pagkain at personal health care products sa mga bansang malaki ang importansyang binibigay sa detalye ng kanilang mga kinakain katulad ng mga bansa sa Europa, dahil sa ang langis mula sa malunggay ay mababa ang transfatty acid na siyang nagiging sanhi ng sakit sa puso. Naniniwala kami sa DA Biotechnology Program Office na malaki ang magiging tulong ng pagtatanim ng malunggay upang tugunan ang kahirapan na nararananasan sa kanayunan at pati na rin sa kalunsuran. Tayo na, magtanim ng malunggay, ang tunay na power gulay! Alicia Ilaga is the Director of the DA Biotechnology Program Office (BPO) and is also the Vice-President for Luzon of BIONet. |
Potensiyal ng mais pinalakas ng makabagong teknolohiya Malunggay hudyat ng pagsulong ng pagsasaka sa siyudad Pagpapaganda, bagong larangan ng biotechnology Malunggay, maaaring pagkunan ng biofuel Editorial Columns Dr. Gaudencio C. Petalcorin, Jr. Alicia Ilaga Archives |
|
|
|
||
|
BIONet
Pilipinas
is published monthly by the Biotechnology Information and Organization
Network in cooperation with the Biotechnology for Life Media and Advocacy Resource Center with editorial offices at The Advocacy House, No. 8 Scout Chuatoco St., Roxas District, Quezon City. Telefax (02) 4137293 and (02)3728560. Editors: Nanet Tanyag, Enrimand Dejeto and June Rodriguez. Email address: bionetpilipinas@gmail.com. Website: www. biotechforlife.com.ph |
||
|
|
||