|
||
|
January 2008 |
||
|
. |
||
|
Editorial Agham tungo sa kasaganaan Isang napakalaking suliranin ng buong mundo sa taong ito at sa susunod na saling-lahi ang kasalatan ng pagkain, hindi lamang ng kanin at ulam kundi pati na rin ang wastong pagkain na may angking sustansya o kaya’y mga sangkap na may kakayahang gumamot. Ang suliranin hinggil sa kakulangan ng pagkain ay tiyak na magbubunsod sa karamihan ng bansa sa buong mundo na talakayin ang mga paraan upang ibsan and hapdi ng kagutuman at suklian ang hinaing ng Ikatlong Daigdig na lunasan ang walang-habas na krisis ng bituka. Sa yugtong ito pumapasok ang napakahalagang ambag ng bioteknolohiya, ang isang pamamaraan upang sapnan ang iba’t ibang halaman o pananim ng tamang “gene” upang labanan ang samu’t saring sakit na sumisira sa tanim. Bukod sa kakayahang baguhin ang paglaki at pagyabong ng mga pananim, ang bioteknolohiya ay binibigyang sandata ang mga tanim at puno upang labanan ang mga sakit na kadalasang sumisira sa kanila. Ito ay napatunayan na sa mais at sa iba pang uri ng pananim na ngayo’y hindi na kailangang puspusang pangalagaan ng pestisidyo. erbisidyo at iba gamot na dulot ng mamahaling inangkat na kemikal. Ang bioteknolohiya mismo ang nagtataglay ng wastong kasangkapan upang iwaglit na ang sakit at pagkabansot ng mga pananim. Hindi na maaari pang ibalik ang oras sa lumang panahon at hilahin ang buong mundo na lisanin ang patuloy na pagsulong ng bioteknolohiya sapagkat sa susunod na mga taon ay sasabog na parang bulkan ang paglaki ng bilang ng sangsinukob at magiging lubos na salat ang anumang uri ng pagkain na lilinangin ng buong daigdig. Angkop lamang na sa halip na labanan ang mga kagalingang dulot ng bioteknolohiya, ang bawa’t isa ay nararapat na alamin, isiping maigi at tanggaping maluwalhati ang paglaki ng ani, ang paglusog ng pananim at pagkakaroon ng sustansya ng lahat ng pagkain na dumaan sa maka-agham na pagpapaunlad at pagpaparami. Batay sa mga nabanggit, maluwat sa ating puso’t damdamin na tanggapin ang paglawak ng sistemang bioteknolohikal sa bansa sapagka’t ito ang pinakama-inam na paraan upang harapin ang sala-salabit na suliranin gaya ng malawakang kagutuman at kahirapan. Maliwanag na sa panahong ito na hindi na maaari pang sagkaan ang paglusong ng buong katauhan sa paggamit ng agham upang lunasan ang mga suliranin na kaya namang lunasan. Ito ang dahilan kung bakit ang bioteknolohiya ay uusad at lalaganap sa buong mundo. Ang kaparaanan lamang ng bioteknolohiya ang nagbubukas ng landas upang palakihin ang ani, patibayin ang mga pananim at gawing masustansya ang pagkain sa pamamaraan na hindi sisira sa kalikasan o kaya’y magdudulot ng ibayong pangamba sa mga mamamayan. |
Potensiyal ng mais pinalakas ng makabagong teknolohiya Malunggay hudyat ng pagsulong ng pagsasaka sa siyudad Pagpapaganda, bagong larangan ng biotechnology Malunggay, maaaring pagkunan ng biofuel Editorial Agham tungo sa kasaganaan Columns Dr. Gaudencio C. Petalcorin, Jr. Archives
September 2007
|
|
|
|
||
|
BIONet
Pilipinas
is published monthly by the Biotechnology Information and Organization
Network in cooperation with the Biotechnology for Life Media and Advocacy Resource Center with editorial offices at The Advocacy House, No. 8 Scout Chuatoco St., Roxas District, Quezon City. Telefax (02) 4137293 and (02)3728560. Editors: Nanet Tanyag, Enrimand Dejeto and June Rodriguez. Email address: bionetpilipinas@gmail.com. Website: www. biotechforlife.com.ph |
||
|
|
||