A monthly newsletter of the

Biotechnology Information and Organization Network

February 2008

.

Halina't sumapi sa BIONet

ANG BIOCommerce ay mahalaga
upang ang biotechnology ay maging isang epektibong pamamaraan ng paglutas ng kahirapan sa kanayunan.

Kung atin lang madagdagan ang ani sa mga ‘di tradisyonal na pananim bunsod ng paggamit ng biotechnology, magiging makabuluhan at masigla ang BIONegosyo. Dahil dito, makakaasa na darami ang ating mga supply, papasok ang industriya ng processing at tataas ang demand sa ibat-ibang makabagong produkto.

Sa pagkakataong ito, hindi ba ang ating magsasaka ang unang magtatamasa ng benepisyo ng BIONegosyo?

Oo at siyempre ang pangunahing makikinabang ay ang mga magsasaka. At may iba’t-ibang sektor din ng BIONegosyo ang magtatamasa ng malaking kaginhawaan.
Nariyan ang sektor ng pagpoproseso, negosyante, research at, higit sa lahat, ang taumbayan. Silang lahat ang bumubuo sa tinatawag na Biotechnology Information and Organization Network o BIONet.

Noong una, ang BIONet ay ginamit na isang stratehiya upang mapadali ang pagpapatupad ng biotechnology sa bansa.

Ngunit ngayong malawak na ang bilang na naabot nito sa 10 rehiyon ng ating bansa at patuloy ang pagpapataas ng antas ng gustong marating ng BIONet, hindi na lamang ito nagsisilbing estratehikong pagpapaunlad.

Ang BIONet ay isang makataong organisasyon na binubuo ng ibat-ibang miyembro ng lipunan na pinagbuklod ng isang adhikain–ang mabago ang kasalukuyang kalagayan ng lahat ng sektor ng lipunan tungo sa higit na maunlad na pamumuhay.
Upang maging isang lubos na epektibong organisasyon, mahalagang tingnan ang kalidad ng mga taong bumubuo nito, kasama na ang mga lider sa iba’t ibang mga chapter.

Totoo, ang dami ay kasing halaga din ng kalidad. Kaya nga’t ito ang isang bagay na naabot na ng BIONet dahil sa dami ng sektor na bahagi nito.
Upang masuri naman ang kalidad ng mga taong bumubuo sa BIONet, ang mga nasa ibaba ay mga simpleng katanungan:

  • Sila ba ay boluntaryong sumali at nagpakita ng tunay na interes sa pagsali

  • Naiintidihan ba nila ang adhikain, layunin, mga programa at polisiya ng BIONet?

  • Itataguyod ba nila ang lahat ng programa para sa kabutihan ng lahat at susunod sa mga patakaran at alituntunin ng BIONet?

  • Sila ba ay handang magbigay ng anumang klaseng suporta sa abot ng kanilang makakaya?

  • Handa ba nilang tanggapin ang kapwa nila kasapi at lider ano man ang relihiyon, at katayuan sa buhay?

Kung ang kasagutan sa mga nabanggit na katanungan ay pawang positibo, maganda ang hinaharap ng BIONet.

Magsisilbing isang malaking hamon kung kabaligtaran nito ang kakalabasan ng pagsusuri. Sa puntong ito, magsisilbing paalala ang mga nasabing katanungan habang binabaybay ng BIONet ang landas patungo sa isang makabuluhan at hinog na organisasyon.

Nung nakaraang pulong ng BIONet Council na ginanap noong huling Biotechnology Week, si Ginoong Guillermo Argosino, ang pinuno ng Komite sa Membership and Social Mobilization, ay may iba’t-ibang panukala kung papano mapalawig ang kasapian ng BIONet.

Kasama na rito ang ang mga kwalipikasyon ng mga kasapi, mga kinakailangan bago maging kasapi, kanilang karapatan at benepisyo at posibleng mga programa nila.

Lubos na mapalad ang BIONet sa pagkakaroon ng mga lider na tulad ni G. Argosino na handang mag-ambag ng kaniyang mga nalalaman sa pag-oorganisa.

Katulad ng mga pinuno ng ibat-ibang komite ng BIONet Council, pinakita rin niya ang dedikasyon sa gawaing binigay sa kanya upang maging matagumpay na organisasyon ang BIONet.

Kabilang sa mga panukalang nagtataglay ng pagpapahalaga sa kalidad ng mga kasapi ay kahandaan ng mga ito na makilahok sa mga programang magpapanatili ng init ng partisipasyon ng mga kasapi sa BIONet. Kabilang dito ang pagkakarooon ng mga babasahin tungkol sa BIONet, mga pulong at pagsasanay, ang pagkakaroon ng legal na personalidad ng BIONet at ang pagkakaroon ng membership ID ng bawat kasapi.

Mahalaga ang pagpaparami ng mga kasapi at dapat ding makisapi ang mga kooperatiba’t iba pang samahang pang-agrikultura. Sa kasalukuyan, isang database ang binubuo upang madaling maaninaw ang hubog ng BIONet sa buong bansa. Dahil ang hamon sa kasalukuyan ay harapin ang malaking demand ng malunggay, papaya, niyog at iba pa, mas maraming kasapi ang kinakailangan.

Mas malalaking BIONets, mas malaking BIONEnegosyo. Mas malaking BIONegosyo, mas malaking pag-asang magbago ang pamumuhay ng marami nating kababayan.

Iniimbita natin ang lahat na tumugon sa hamon ng BIONegosyo. Para sa mga nais sumali i-click lang ang membership form para sa lumabas ang PDF. Punuin ito ng mga kinakailangang impormasyon at ipadala sa No. 8 Scout Chuatoco St., Roxas District, Quezon City.

Si Nanet Tanyag ang Deputy Executive Director ng Biotechnology for Life Media and Advocacy Resource Center.

Back to top

Tubo, ani ng biotek na tanim tataas pa

Bayang matamlay, pasisiglahin
ng malunggay

Paano ang pagtatanim ng malunggay?

Biotek na talong inani na sa Laguna

Editorial

Sagot sa krisis ng pagkain

Columns

Dr. Gaudencio C. Petalcorin, Jr.

Alicia Ilaga

Nanet Tanyag

Directory

Archives

September 2007
October 2007
November 2007

December 2007
January 2008

 


BIONet Pilipinas is published monthly by the Biotechnology Information and Organization Network
in cooperation with the Biotechnology for Life Media and Advocacy Resource Center with editorial offices at The Advocacy House, No. 8 Scout Chuatoco St., Roxas District, Quezon City.
Telefax (02) 4137293 and (02)3728560. Editors: Nanet Tanyag, Enrimand Dejeto and June Rodriguez.
Email address:
bionetpilipinas@gmail.com. Website:
www. biotechforlife.com.ph