A monthly newsletter of the

Biotechnology Information and Organization Network

February 2008

.

Biotek na talong inani na sa Laguna

NAGSIMULA nang umani ng biotek na talong ang mga siyentipikong nag-eeksperimento sa Fruit and Shoot Borer (FSB)-resistant eggplant mula sa isang “experimental plot” na tinamnan ng talong na may third backcross ng Bacillus thuringiensis (Bt) at hindi nakitang may anumang pinsala dulot ng FSB.

Ayon kay Dr. Josefina O. Narciso, principal investigator ng proyekto, ang mga inani nilang Bt eggplant ay nagpakita ng mga “superior qualities” at bukod sa nagbunga umano ang kanilang pinaghirapan ay napalapit lalo ang bansa sa pagsusulong ng nasabing “biotechnologically enhanced” na gulay para sa pamilihan.

“Masaya ako sa naging resulta,” ani Narciso. Ang mga inaning talong galing sa experimental plot ay walang ng pinsala samantalang ang mga karaniwang talong ay sinalanta ng FSB.

“Nangangahulugan ito na naroon na sa talong ang Bt,” ayon kay Narciso.
Bukod dito, sila’y lubos na nagagalak sapagkat “horticultural characteristics” ng mga inani nilang Bt eggplant ay kawangis ng kanilang “parent varieties.”

Inani ang mga talong upang makakuha pinakamaraming bilang ng binhi ang mga siyentipiko dahil ang “multi-location field trials” ng Bt eggplant ay dapat nang masimulan sa mga susunod na buwan.

Nais ng mga siyentipiko na gawin ang mga field trials na ito ng Bt eggplant, na karaniwang bahagi ng hapag-kainan ng ng bawat pamilyang Pilipino sa mga lalawigan ng Luzon, partikular ang Bicol, Pangasinan, Nueva Ecija at Batangas.
Ang gawaing ito ay nasa ilalim ng “national cooperative type trial for variety release and recommendation ng National Seed Council (NSC).”

Nagpalaki ng Bt eggplants sa Biological Level II facility sa Institute of Plant Breeding (IPB) sa UP Los Banos noong Oktubre. Inaprubahan ang paglilipat-tanim ng mga ito ng National Committee on Biosafety of the Philippines (NCBP) para sa “confined trial” noon pang Setyembre 2007.

Gaya ng itinakda ng NCBP, ang mga inaning talong ay maayos na ibabaon.
“Bubunutin sila, pakukuluan at ibabaon upang maiwasan ang anumang kontaminasyon,” ani Narciso.

Ang mga klase ng Bt eggplant, ang Dumaguete Long Purple (DLP), na mas malaki’t mahaba, at ang Mara, na katamtaman lamang ang laki ay “were backcrossed with a variety induced with Bt,” isang bacterium mula sa lupa na likas na pumapatay sa mga insekto, gaya ng FSB na siya namang pumapatay sa talong.

Ang talong, may scientific name na Solanum melongena L., ay mainam na pinagkukunan mga bitamina, fiber at mga mineral. Ang talong umano ang nangungunang gulay sa Pilipinas sa dami ng inaani at laki ng pinagtatamnang lupa.
Layunin ng nasabing Bt eggpant project na mawala ang pagkalugi dala ng mga peste, na lumipilol mula sa 51 porsiyento hanggang 73 porsiyento ng tanim na talong.

Umaasa si Narciso na mas marami ang aanihin sa Bt eggplant kumpara sa tradisyunal na talong, kung saan walo hanggang 10 tonelada metriko ang inaaani bawat ektarya.

Sa pamamagitan ng biotechnology, ang mga siyentipikong kasali sa proyekto ay nagawang mai-backcross ang Bt eggplant mula sa India na dinebelop ng Indian Mahashtra Hybrid Seeds Co., Ltd. (Mahyco) sa tulong ng Monsanto Co. 

Back to top

Tubo, ani ng biotek na tanim tataas pa

Bayang matamlay, pasisiglahin
ng malunggay

Paano ang pagtatanim ng malunggay?

Biotek na talong inani na sa Laguna

Editorial

Sagot sa krisis ng pagkain

Columns

Dr. Gaudencio C. Petalcorin, Jr.

Alicia Ilaga

Nanet Tanyag

Directory

Archives

September 2007
October 2007
November 2007

December 2007
January 2008


BIONet Pilipinas is published monthly by the Biotechnology Information and Organization Network
in cooperation with the Biotechnology for Life Media and Advocacy Resource Center with editorial offices at The Advocacy House, No. 8 Scout Chuatoco St., Roxas District, Quezon City.
Telefax (02) 4137293 and (02)3728560. Editors: Nanet Tanyag, Enrimand Dejeto and June Rodriguez.
Email address:
bionetpilipinas@gmail.com. Website:
www. biotechforlife.com.ph