A monthly newsletter of the

Biotechnology Information and Organization Network

February 2008

.

ULAT NG PAMBANSANG PANGULO

Tungo sa "Industry Cluster"
ng biotek sa Pilipinas

SI Dr. Michael Porter ng Harvard Business School ang siyang kauna-unahang nagpaunlad ng estratehiya ng “industry clustering” upang palakasin ang pangrehiyong ekonomiya.

Sa ilalim ng ganitong sistema, ayon kay Porter, ang isang industriya ay makatitiyak ng pag-unlad at mababawasan ang mga dagdag na gastusin.

Ang isang “industry cluster” ay siyang makapagbibigkis sa mga tinatawag na “stakeholders” gaya ng mga tagapagtanim ng mga hilaw na sangkap at ng mga nagtitinda nito, mga institusyon sa pananaliksik at mga unibersidad, mga korporasyong gumawa ng iba’t ibang produkto at pati na rin ang mga mangangalakal.

Pangunahing pakay ng “industry cluster” ay gawing lubos ang tubo at mapalaki ang bumabalik na kita ng mga kasali dito.

“There is power in unity and chaos in disarray,” ayon kay Porter, at ito ang isang adhikain o prinsipyo na sinusunod ng “industry cluster.”

Ang bawat kasapi sa naturang “cluster” ay tumitingin sa kapakanan ng bawat isang kabilang nito upang matiyak na ang mismong industriya ay magpapatuloy habang panahon. Ang bawat pagkilos ng industriya ay batay sa resulta ng pananaliksik. Ito ang dahilan kung bakit ang mga institusyon sa pananaliksik at mga paaralan ay bahagi ng “cluster.”

Kahit na mababang antas pa ang industriya ng bioteknolohiya sa Pilipinas, malaki naman ang hinaharap nito at sa malaon ay walang katanungan sa pagiging mahalaga nito sa bansa, sa mga mamamayan at sa pangmatagalang pag-unlad ng bansa.

Ang napakalaking pangangailangan ng buong mundo para sa mga “natural ingredients” lamang ay sapat na upang palakasin ang industriya ng bioteknolohiya.
Ang Department of Agriculture (DA), sampu ng ibang ahensya ng pamahalaan, ay nagsusumigasig na palawakin ang bioteknolohiya. Isang inisyatiba ng DA sa aspetong ito ay ang pagtatatag ng Biotechnology Information and Organization Network (BIONet).

Pangunahing papel ng BIONet ay kumilos bilang tulay sa pagitan ng mga magsasaka at ng mga kompanya sa bioteknolohiya.

Ang ganitong layunin ang siyang dahilan kaya magtatatag ng mga bagong BIONet chapters at palalakasin ang mga nakatindig na chapters sa taong ito.
Ang paghihikayat sa mga kabahagi ng industriya ng bioteknolohiya na maging kasapi ng BIONet ay isang malaking hakbang tungo sa pagkakaroon ng “Biotechno-logy Industry Cluster” sa Pilipinas.

Gaudencio C. Petalcorin, Jr.,Ph.D, Professor, College of Science & Mathematics, MSU-Iligan Institute of Technology. Former Vice President for Academic Affairs, Research & Extension, Northern Mindanao State Institute of Science & Technology. Former Consortium Director, Caraga Consortium for Agriculture, Forestry and Resources Research & Development

Back to top

Tubo, ani ng biotek na tanim tataas pa

Bayang matamlay, pasisiglahin
ng malunggay

Paano ang pagtatanim ng malunggay?

Biotek na talong inani na sa Laguna

Editorial

Sagot sa krisis ng pagkain

Columns

Dr. Gaudencio C. Petalcorin, Jr.

Alicia Ilaga

Nanet Tanyag

Directory

Archives

September 2007
October 2007
November 2007

December 2007
January 2008


BIONet Pilipinas is published monthly by the Biotechnology Information and Organization Network
in cooperation with the Biotechnology for Life Media and Advocacy Resource Center with editorial offices at The Advocacy House, No. 8 Scout Chuatoco St., Roxas District, Quezon City.
Telefax (02) 4137293 and (02)3728560. Editors: Nanet Tanyag, Enrimand Dejeto and June Rodriguez.
Email address:
bionetpilipinas@gmail.com. Website:
www. biotechforlife.com.ph