|
||
|
February 2008 |
||
|
. |
||
|
Magandang kinabukasan ng mga Aeta
Lumaki ang pag-asang may dagdag na kabuhayan ang mga Aeta matapos na ilunsad ang “Buklod Serbisyo para sa Katutubong Aeta” noong Pebrero 15 sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, lokal na pamunuan at pribadong sektor. Halos 3,000 pamilyang Aeta ang dumalo sa paglulunsad ng programa at sila ay tinanggap ang katungkulan na magtanim ng malunggay na bibilhin ng Secura International batay sa nilagdaang purchase agreement. Ang malunggay na aanihin ng mga Aeta ay kukunan ng buto at langis. Tampok sa naturang aktibidad ang paglagda ng Tarlac Malunggay BIONet-BIOCommerce Information Center sa pagitan ni Bureau of Plant Industry (BPI) Director Joel Rudinas, Tarlac Governor Victor Yap, BIONet National Secretary at Provincial Agriculturist Edwina Tabamo, BIONet Marketing, Investments and Resource Mobilization Committee Chair at Secura President Engr. Danilo Manayaga at mga provincial board members. Mismong si Agriculture Secretary Arthur C. Yap, na nauna nang lumagda sa naturang Memorandum of Understanding, ang nagsabing ang malunggay, tinaguriang “power gulay,” ay malaki ang ambag sa kampanya laban sa kahirapan, kagutuman at malnutrisyon. Si Yap ay buo ang suporta sa programa na bahagi rin ng kanyang tungkulin bilang puno ng Accelerated Hunger Mitigation Program (AHMP). Napapanahon ang tulong na handog ng “Buklod Serbisyo” sa mga katutubo ng Bamban dahil karamihan sa mga ina at bata ay hindi nakakakain ng sapat at salat sa wastong nutrisyon. Kahit na hindi biglaang mararamdan ang “long-term” na benepisyo sa ekonomiya ng nilagdaang kasunduan, ang mga katutubo ay may dagliang benepisyo sapagkat ang malunggay ay madaling palakihin, masustansya at higit sa lahat, maaaring kainin. Maging si Undersecretary Segfredo Serrano, na kumatawan kay Sec. Yap, ay hindi makapaniwala sa dami ng mga Aeta na dumalo sa seminar. Dumalo din si National Anti-Poverty Commission (NAPC) Lead Convenor Domingo Panganiban sa paglulunsad ng programa na siyang namagitan upang magkaroon ng libreng medical at dental na serbisyo para sa mga katutubo. Sa seminar ay namahagi ang DA, sa pamamagitan ni BPI Director Rudinas, ng mga binhi ng malunggay upang lalong ganahang magtanim ang mga katutubo. Patuloy ang suportang ito ng DA sa mga katutubo. 100 kopya ng Guidebook on Good Business on Biotechnology, 100 kopya ng BIONet newsletter, 100 kopya ng BIOLife Magazine at 1,000 kopya ng malunggay farming primer ang ipinamahagi din sa mga dumalo.Bukod dito, sako-sakong bigas na idinonasyon ng Philrice ang ipinamahagi. Ang mga kinatawan ng BPI at DA Regional Field Unit III ang nagpaliwanag sa mga Ita hinggil sa malunggay at sustansyang dulot nito, at kung paano ito itanim, palaguin, anihin, iluto at i-proseso.Ipinatikim din mga taga-BPI ang inihanda nilang malunggay-flavored na pan de sal at tsaa. 500 piraso ng pan de malunggay at 10 litro ng tsaa ang isinilbi sa mga nagsidalo. Naroon din sa paglulunsad sina 2nd District Representative Jeci Lapus, Mayor Leonardo Anunciacion at Vice Mayor Godofredo Lomboy. Dahil sa programa, maaari nang sabihin na daratal ang maaliwalas na kinabukasan sa pamayanang Aeta ng Bamban. Alicia Ilaga is the Director of the DA Biotechnology Program Office (BPO) and is also the Vice-President for Luzon of BIONet. |
Tubo, ani ng biotek na tanim tataas pa
Bayang matamlay, pasisiglahin Paano ang pagtatanim ng malunggay? Biotek na talong inani na sa Laguna Editorial Columns Dr. Gaudencio C. Petalcorin, Jr. Alicia Ilaga Archives |
|
|
|
||
|
BIONet
Pilipinas
is published monthly by the Biotechnology Information and Organization
Network in cooperation with the Biotechnology for Life Media and Advocacy Resource Center with editorial offices at The Advocacy House, No. 8 Scout Chuatoco St., Roxas District, Quezon City. Telefax (02) 4137293 and (02)3728560. Editors: Nanet Tanyag, Enrimand Dejeto and June Rodriguez. Email address: bionetpilipinas@gmail.com. Website: www. biotechforlife.com.ph |
||
|
|
||