A monthly newsletter of the

Biotechnology Information and Organization Network

February 2008

.

Editorial

Sagot sa krisis ng pagkain

ANG biglaang pagtaas ng halaga ng bigas at iba pang pagkain sa pandaigdigang kalakalan ay nagbabadya ng malawak na krisis sa buong daigdig at ito ay maaaring umabot sa bansa kahit na nga mismong ang Food and Agriculture Organization (FAO) ang nagsasabing hindi naman kabilang ang Pilipinas sa hanay ng mga bansang Aprikano at Asyano na umaasa na lamang sa pag-angkat upang mabuhay ang kanilang populasyon.

Malaki ang potensyal sa komersyali-sasyon ng biotekh na pananim sa 2006-2015.
Sa yugtong ito higit na nagiging mahalaga ang pagpaparami ng mga pananim na higit na malaki ang ani, hindi kinakapitan ng peste at may taglay na bitamina, mineral at iba pang sustansya.

Naririyan ang pagpapalawak ng mga ibang uri ng palay na hindi malakas gumamit ng pestisidyo at iba pang “inputs” at higit na malaki ang ani, o kaya’y ang mga gulay gaya ng malunggay, talong at iba pa na maaaring kunan ng sustansya at panggagalingan ng kita ng milyun-milyong nagdarahop na mamamayan.

Susi sa krisis ng pagkain ang pagpapalawak ng mga “biotechnologically-enhanced” na pananim na doble o higit pa ang ani kaysa karaniwang “varieties.”

Ayon kay Dr. Clive James ng International Service for the Acquisistion of Agri-biotech Applications (ISAAA), ang mga pananim na biotech ay hindi lamang nakapagpapataas ng kita ng mga magsasaka kundi nakakatulong pa sa pagpapababa ng “greenhouse gases” na siya namang nagpapainit sa buong daigdig.
Hindi batid ng lahat na ang mga pananim na biotek ay higit na mabisang gumamit ng “nitrogen” at nang sa gayo’y lalong nakatutulong sa pagpapaganda ng ating kapaligiran.

Sa buong daigdig ay may malinaw na tunguhin sa pagpapalaganap ng biotech na pananim sapagkat batid ng mga pinuno ng napakaraming bansa na magiging masidhi ang pangangailangan ng pagkain sa hinaharap.

Naririyan din ang patuloy na paglaki ng pananiman para sa “biofuels” upang mabawasan ang paggamit ng petroleum at iba pang “fossil fuels.”

Pati ang Pilipinas ay may patakaran na palakasin ang paggamit ng biofuels mula sa mais, tubo, kamoteng kahoy, sweet sorghum, jatropha at maging sa malunggay, sakaling maging matagumpay ang produksyon ng langis mula sa iba’t ibang parte ng punong ito.

Upang sagutin ang pangangailangan sa biofuels at sa pagkain, maraming bansa na ang nagpapatupad ng magkaakibat na pagpalalawak ng pananiman at 23 bansa na ang nagtakda ng 114 milyong ektarya ng lupa upang palakasin ang biotek na pananim mula 2006 hanggang 2015.

Ang tanging sagot sa krisis ng pagkain ay palakasin ang sistemang agrikultural at gamitin ang mga tanim na malaki ang ani, masustansya at magdudulot sa mga magsasaka ng sapat na kita. Tanging biotek na pananim lamang ang may sapat na kakayanan upang gampanan ang ganitong mga tungkulin para sa sambayanan.

Back to top

Tubo, ani ng biotek na tanim tataas pa

Bayang matamlay, pasisiglahin
ng malunggay

Paano ang pagtatanim ng malunggay?

Biotek na talong inani na sa Laguna

Editorial

Sagot sa krisis ng pagkain

Columns

Dr. Gaudencio C. Petalcorin, Jr.

Alicia Ilaga

Nanet Tanyag

Directory

Archives

September 2007
October 2007
November 2007

December 2007
January 2008

 


BIONet Pilipinas is published monthly by the Biotechnology Information and Organization Network
in cooperation with the Biotechnology for Life Media and Advocacy Resource Center with editorial offices at The Advocacy House, No. 8 Scout Chuatoco St., Roxas District, Quezon City.
Telefax (02) 4137293 and (02)3728560. Editors: Nanet Tanyag, Enrimand Dejeto and June Rodriguez.
Email address:
bionetpilipinas@gmail.com. Website:
www. biotechforlife.com.ph