|
||
|
December 2007 |
||
|
. |
||
|
Ang
konseho ang puso ng
ANG anumang teknolohiya ay ginawa dahil sa tao, at para sa tao. Dahil dito mahalaga ang pagka-kaorganisa ng isang network tulad ng Biotechnology Information and Organization Network o BIONet sapagkat ito ang nagsisilbing mukha ng ating teknolohiyang tinaguriang biotechnology. Bagamat ang BIONet ay binubuo ng mga miyembro mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan, maihahalintulad ito sa katawan ng tao. Kaya nga kung may mukha ang biotechnology, ito ay may pusong pumipintig upang may dugong dumaloy sa lahat at kabuuang network. Itinuturing kong puso ng BIONet ang BIONet National Council at ang dugong dumadaloy sa lahat ng ugat nito ay ang mga impormasyon at kaalaman patungkol sa biotechnology. Noong nakaraang selebrasyon ng National Biotechnology Week, nabigyan ng atensyon at partisipasyon ang BIONet National Council. Sa unang pagkakataon, naimbita at dumalo ang lahat ng opisyales ng konseho sa mga pangunahing programa ng nasabing selebrasyon. Sila ay nagbigay ng sapat at makabuluhang panahon para makibahagi sa makasaysayang pagdiriwang. makasaysayan ang isang linggong pagdiriwang na iyon (Nobyembre 26-30, 2007) sapagkat ito ang simula ng taunang selebrasyon ng National Biotechnology Week sa ating bansa. Kahit maraming bagong ideya, konsepto at gawain ang naging laman ng National Biotechnology Week na yaon, isang natatanging pangyayari ang idinaos at ito ang pangalawang BIONet National Council meeting. Sa pangunguna ni Dr. Gaudencio Petalcorin bilang chairperson, maraming mahahalagang bagay ang pinag-usapan at binigyan ng aksyon. Pangunahin sa tinalakay ay ang pagkaaroon ng legal na katauhan ang BIONet sa pamamagitan ng pagrehistro nito sa Securities and Exchange Commission (SEC). Pangalawa, ang pagpapatibay ng BIONet bilang isang organisasyon lalung-lalo na ang mga programa at serbisyo nito sa pamamagitan ng pagpapasa ng mga polisiya tungkol sa mga kasapi, pananaliksik, information, education and communication, adbokasiya, pagpaplano at investment and marketing. Pawang magaganda ang mga rekomendasyon at mga planong gawain ng mga pinuno ng ibat ibang komite tulad nina Luz Torres, Guillermo Argosino, Ismael Pangkatan, Dr. Jun Alonto, Joel Paredes at Danny Manayaga kung papano tuluyang lumakas at manatili ang buhay ng BIONet. Kabilang sa mga konkreto nang nagawa ng council, sa pangunguna ng komite ng impormasyon, edukasyon at komunikasyon ay ang buwanang paglalabas ng BIONet Pilipinas newsletter at ang kalalathalang biotechnology guidebook na naglalaman ng mahahalagang impormasyon at gabay tungkol sa biotechnology. Ang lahat na nabanggit tungkol sa konseho ay isang malakas na indikasyon ng isang organisasyon na buhay, malakas at totoo ayon sa hangarin nito. Sa aking pagsusuri ng nasabing organisasyon, mabilis hindi lamang ang paglaki nito kundi pati na ang pagyabong nito at marahil ang isa sa mga pangu-nahing kadahilanan ay ang pagkakaroon ng isang konseho na nagsisilbing puso at binubuo ng mga taong maituturing na hindi lamang mahuhusay sa kanilang propesyon kundi matapat at masipag sa gawaing itinakda sa kanila. Si Nanet Tanyag ang Deputy Executive Director ng Biotechnology for Life Media and Advocacy Resource Center. |
BIOCommerce tulong sa mga magsasaka Mga malunggay recipe ni Dr. Valera
Pinoy scientists and
products shine Editorial Columns Dr. Gaudencio C. Petalcorin, Jr. Nanet Tanyag Archives
September 2007
|
|
|
|
||
|
BIONet
Pilipinas
is published monthly by the Biotechnology Information and Organization
Network in cooperation with the Biotechnology for Life Media and Advocacy Resource Center with editorial offices at The Advocacy House, No. 8 Scout Chuatoco St., Roxas District, Quezon City. Telefax (02) 4137293 and (02)3728560. Editors: Nanet Tanyag, Enrimand Dejeto and June Rodriguez. Email address: bionetpilipinas@gmail.com. Website: www. biotechforlife.com.ph |
||
|
|
||