BIOCommerce Center sa abaca at papaya
bubuksan sa Butuan
Ni GAUDENCIO C.
PETALCORIN, JR., Ph.D
Professor, College of
Science, De La Salle University, Manila
Former Vice President
for Academic Affairs,
Research and Extension,
NORMISIST
Former Consortium
Director, Caraga Consortium for Agriculture,
Forestry and Resources Research and Development
ANG
abaca ay isa sa mga pangunahing panamin na nagbibigay ng malaking kita
sa Pilipinas. Nagsimula ang paggamit nito sa paggawa ng lubid at mga
handicraft, at ngayon ay ginagamit na sa paggawa ng specialized paper
na kinabibilangan ng tea and coffee bags,
sausage-casing paper,
electrolytic paper, currency notes, cigarette-filter papers,
medical/disposal papers at high-quality writing paper.
Ang bansang Alemanya
ngayon ay gumagamit na ng abaca sa paggawa ng iba’t ibang piyesa ng
sasakyan. Napatunayan rin na ang abaca extract ay nagtataglay ng
anti-ageing at therapeutic properties. Mabibili na sa Estados Unidos,
bansang Hapon, at sa Europa ang abaca soap.
Simula 2004,
nagsimulang makilala ang Caraga Region bilang isa sa mga nangunguna sa
Pilipinas sa produksyon ng Abaca. Dahil dito, naitatag ang Abaca Cluster
sa rehiyon na sinusuportahan ng Regional Development Council. Ang Fiber
Industry Development Authority (FIDA) ang nagsisilbing pangunahing
ahensiya na tumitingin sa ikauunlad ng cluster na ito.
Ang Northern Mindanao
State Institute of Science and Technology(NORMISIST) Tissue Culture
Laboratory ang pangunahing pinanggalingan ng mga punla. Dahil sa
matagumpay na pananaliksik ng isang propesor ng NORMISIST para makabuo
ng isang protocol sa produksyon ng de-kalidad na mga punla, ang
Department of Science and Technology(DOST), Commission on Higher
Education(CHED), Philippine Council for Agriculture, Forestry & Natural
Resources Research and Development (PCARRD) ay nagbigay ng pondo para
mapaunlad lalo ang produksyon ng mga punla sa NORMISIST. Sa ngayon
pinag-aralan na rin ng pamantasan ang supply chain para sa abaca.
Ang papaya naman ay
isang napakapopular na gulay/prutas sa Pilipinas. Napakasarap na
panghimagas ang hinog na papaya. Ang hilaw na bunga naman ay lalong
pinasasarap ang tinola.
Nguni’t ang kahalagahan
ng pananim na ito ay hindi lang bilang isang ordinaryong pagkain.
Lumitaw sa mga pananaliksik na ang dagta ng hilaw na papaya ay may mga
aktibong enzymes na mayroong gamit sa medisina. Dahil dito lumalaki lalo
ang merkado para sa papaya.
Sa taong 2005,
naisulong ng inyong lingkod na maisama ang High Value Vegetable Cluster
sa mga kinikilalang industry clusters sa Caraga. Isa ang papaya sa mga
pangunahing produkto ng cluster na ito. Kumikita ang mga magsasaka
hanggang P15 kada kilo ng Red Lady papaya.
Sa Maynila, abot
hanggang P40 kada kilo ang bentahan. Ang mga namimili ng papaya sa
rehiyon ay kinabibilangan ng Secura International, Del Monte Philippines
at Fruit Gem.
Upang lalo pang
mapaunlad ang kalakal sa Abaca at Papaya sa Rehiyon Caraga, ang
Biotechnology Information and Organization Network (BIOnet) at
Department of Agriculture-Biotechnology Programs Office (DA-BPO) sa
pakikipagtulungan ng Biotechnology for Life Media Advocacy Resource
Center (BMARC) at NORMISIST ay magbubukas ng isang BIOCommerce Center
para sa naturang mga produkto. Ito ang pangalawang sentro na bubuksan sa
Pilipinas. Noong May 28, 2008 binuksan ang BIOCommerce Center Tarlac
para naman sa malunggay.
Ang BIOCommerce Center
Butuan ay bubuksan sa susunod na buwan. Ang sentro na ito ay maglalaman
ng mga babasahing ukol sa mga pananim, dito rin gagawin ang mga
pagsasanay sa mga bagong teknolohiya, at higit sa lahat ang
business-matching sa pagitan ng mga magsasaka at sa mga kompanyang
biotek.
Ang BIOCommerce Center Butuan ay matatagpuan sa loob ng
NORMISIST, Ampayon, Butuan City. Inaasahang ito ay magbibigay pa ng
ibayong sigla sa Abaca Industry Cluster at ng High Value Vegetable
Cluster ng Rehiyon Caraga.
Back to Top |