A monthly newsletter of the

Biotechnology Information and Organization Network

April 2008

.

Bigyang buhay ang BIONet

NApakahalaga ang naganap na  Bionet Council meeting na  noong ika-17 ng Abril 2008 sa UP Hotel sa Diliman, Quezon City. Dalawang bagay ang nabigyan ng prayoridad sa pagpupulong na yaon.  Una, ang usapin tungkol sa kasapian ng Bionet. Pangalawa, ang magiging buhay ng BIONet sa pagsulong nito bilang bilang organisasyon.

Masusing pinag-aralan ni Guillermo Argosino, pinuno ng Committee on Social Mobilization ang kasapian ng BIONet. Ang kanyang mga panukala ay madaling sinusugan ng konseho. 

Alam naman nating lahat na ang isang organisasyon ay maihahalintulad sa isang balong walang tubig kung ito ay walang sapat na mga kasapi at kung ang mga kasapi ay kulang sa kamalayan at kaalaman tungkol sa adhikain ng organisasyon. 

Ayon kay G. Argosino madaling maparami o mapalawak ang kasapian ng BIONet kung bibigyan ng pansin hindi lamang ang mga indibidwal na kasapi kundi ang mga organisasyong naniniwala sa patunguhin ng BIONet.

 Kabilang na dito ang mga kooperatiba, asosasyon ng  mga magsasaka, mga negosyante, mga istudyante at lahat  ng iba pang grupo ng iba’t-ibang sektor ng lipunan na may layuning isulong ang bionegosyo sa ating bansa. 

Kung papaano magiging makabuluhan ang pagsali ng mga nabanggit ay ipinanukala din ni G. Argosino.  Ang mga suhestiyon naman ng mga miyembro ng konseho ay nagpalalim sa mga ideya ng pinuno ng nasabing komite. 

Ito ay katulad ng pagkakaroon ng ID, membership fee at higit sa lahat ay ang pag-isa-isa sa mga karapatan at benepisyo ng mga kasapi maging ito ay indibidwal o grupo.

Ngunit hindi magiging matagumpay ang BIONet kahit sabihin pang may maituturing na buo at matatag na kasapian ito kung walang paraan para ito ay magkaroon ng mahabang buhay.  Ang aking tinutukoy dito ay pagkakaroon ng mga proyekto o gawain na magpapalakas dito. 

Kaya noong hapon ding yaon, nagkaroon ang konseho ng isang business planning.  Sa pagkakataong  ito pinag-usapan ang mga pamamaraan kung paano magkaroon ng supisyenteng pondo ang BIONet. 

Ang nasabing business planning ay isang napakahalagang estratehiya na nagpapakita ng seryosong commitment ang bawat kasapi ng konseho.  Ito ay nagbabadya din na ang BIONet ay talagang isang tunay na kaagapay para sa isang matagumpay na BIONegosyo.

Kung walang organisadong grupo na magsisilbing start-up engine sa katulad ng inuumpsahang BIONegosyo mahirap  pumaimbulog sa langit ng kasaganaan hindi lamang sa ating mga magsasaka kundi pati na sa sambayanan.

Sa papamamagitan ni Dr. Oscar Ferrer ng UP College of Social Work ang Community Development na nagsilbing facilitator sa nasabing business planning, sari-saring  ideya ang naiambag ng bawat kasapi ng konseho sa usaping resource generation.

Isa dito ay ang pagkakaroon ng negosyo ng BIONet na ang kikitain ay gagamiting pangtutos sa iba’t-ibang gawain o  aktibidades nito.  

Wala nang balakid sa lahat ng ito sapagkat ang BIONet Pilipinas ay isa nang lubos na organisasyon.  Ito ay rehistrado na sa Securities and Exchange Commission.

Si Nanet Tanyag ang Deputy Executive Director ng Biotechnology for Life Media and Advocacy Resource Center.

Back to top

Biotek tulong sa pagresolba sa mahigpit na supply ng bigas

Rehistrasyon sa SEC
magpapalakas sa BIONet

Moringa oil pagkain na biodiesel pa

10 biotek entrepreneurs kinilala ng Go Negosyo

BIONet-Zamboanga Peninsula handa sa biotek

Golden Rice susugpuin ang pagkabulag

Coco-sugar: asukal mula sa tuba

Editorial

Biotek sa pagsasaka

Columns

Dr. Gaudencio C. Petalcorin, Jr.

Alicia Ilaga

Nanet Tanyag

Directory

Archives

September 2007

October 2007
November 2007

December 2007
January 2008
February 2008
March 2008

Membership Form


BIONet Pilipinas is published monthly by the Biotechnology Information and Organization Network
in cooperation with the Biotechnology for Life Media and Advocacy Resource Center with editorial offices at The Advocacy House, No. 8 Scout Chuatoco St., Roxas District, Quezon City.
Telefax (02) 4137293 and (02)3728560. Editors: Nanet Tanyag, Enrimand Dejeto and June Rodriguez.
Email address:
bionetpilipinas@gmail.com. Website:
www. biotechforlife.com.ph