A monthly newsletter of the

Biotechnology Information and Organization Network

April 2008

.

Coco-sugar: asukal mula sa tuba

Diabetiko ka ba at takam na takam na sa tsokolate?

May sagot na ang Philippine Coconut Authority (PCA) sa problema mo. Ang coco-sugar o asukal na mula sa tuba ay napatunayan na sa mga pag-aaral ng Food and Nutrition Research Institute (FNRI) ng DOST na mabuti para sa mga diabetiko. 35 lang kasi ang glycemic index nito, kaya’t kapag kinain ito ng isang diabetiko ay mananatiling stable ang kanyang blood sugar level.

Noong nakaraang taon, nagsimulang mag-export ang mga traders/exporters ng coco-sugar sa Amerika. Ngayong taon, nagsimula na rin ang trial marketing para sa coco-sugar sa mga bansang China, Japan at sa Gitnang Silangan.

Pero hindi lang Pilipinas ang gumagawa ng coco-sugar. Maging ang mga bansang Thailand at Indonesia ay exporter na rin nito. Ngunit tiwala ang PCA na hindi pahuhuli ang Pilipinas pagdating sa produksyon at kalidad ng ating  coco-sugar.

Kumpara nga sa Indonesia, sabi ni Erlene Manohar na siyang focal person ng PCA sa coco-sugar project ay mas maganda ang kalidad ng coco-sugar na gawang Pilipino dahil ito ay granulated. Kumpara naman sa Thailand, quantity competitive tayo dahil sa dami ng niyog sa ating bansa. Ang Pilipinas kasi ang ikalawa sa mundo pagdating sa coconut production.

Bukod sa mabuti para sa mga diabetiko, sagana rin sa nutrisyon ang coco-sugar. Mayaman ito sa potassium, phosphorus, magnesium, sulfur, calcium at Vitamin C. Nakakapagpababa rin ito ng cholesterol level.

Madali lang gawin ang coco-sugar, at kahit sa inyong sariling bakuran maari kayong gumawa nito. Ang mahalaga, sabi ng PCA, ay ang masunod ang proseso at mga kritikal na kondisyon para matiyak ang kalidad nito.

Pero bukod sa mga benepisyong pang-nutrisyon, dagdag na kita para sa mga magsasakang nagtatanim ng niyog ang paggawa ng coco-sugar.

Sa ngayon, puwedeng bumili ng coco-sugar sa opisina ng PCA sa Quezon City upang makatiyak sa  kalidad nito.  Gumagawa na rin ng marketing scheme ang PCA upang matiyak ang kalidad at tamang presyuhan ng coco-sugar upang mapangalagaan ang produktong ito na may magandang oportunidad sa domestic at export market.

Sabi ng PCA, mas mahal kung ibenta sa merkado ang asukal na ito dahil na rin sa mga dagdag na gastos sa packaging at transportasyon. Pero gumagawa na ng paraan ang PCA para mapababa ang halaga ng produkto. Kabilang na riyan ang paghahanap ng mga equipment na mas magpapabilis at makapagdaragdag ng produksyon ng coco-sugar sa maliit na halaga tulad ng isang stirring equipment.

“It is not costly as far as the equipment as concerned. It can be done in the backyard, direct sa farm or simply saying it’s a farm-level technology. No expensive machine, no big capital but it is labor intensive,” sabi ni Manohar.

Pinag-aaralan na rin ng PCA kung paanong mai-stabilize ang tuba upang maiwasan ang fermentation nito. Kapag ang tuba ay nag-ferment ang sugar nito ay nakoconvert into alcohol at di na ito magagawang coco-sugar, kundi puwede na lamang gawing suka.

Sa ngayon, pinakamarami ang gumagawa ng coco-sugar sa mga lugar sa Mindanao tulad ng General Santos, North Cotabato at Zamboanga. Sabi ng PCA, hindi iminumungkahi  sa Luzon ang paggawa ng coco-sugar dahil karaniwang tall variety ng niyog ang itinatanim doon.  Masyadong malaking gastos umano ang pag-akyat sa matataas na niyog upang kolektahin ang tuba. Pero, sabi ni Manohar, puwede pa rin namang kumita ang mga magsasaka ng niyog sa Luzon sa coco sugar kung magtatanim sila ng mga hybrid o dwarf variety ng niyog. Ang pagtatanim ng maraming niyog ang sagot sa pagpapaangat ng kabuhayan nang ating mga magsasaka ng niyog, dagdag pa ni Manohar

Back to top

Biotek tulong sa pagresolba sa mahigpit na supply ng bigas

Rehistrasyon sa SEC
magpapalakas sa BIONet

Moringa oil pagkain na biodiesel pa

10 biotek entrepreneurs kinilala ng Go Negosyo

BIONet-Zamboanga Peninsula handa sa biotek

Golden Rice susugpuin ang pagkabulag

Coco-sugar: asukal mula sa tuba

Editorial

Biotek sa pagsasaka

Columns

Dr. Gaudencio C. Petalcorin, Jr.

Alicia Ilaga

Nanet Tanyag

Directory

Archives

September 2007

October 2007
November 2007

December 2007
January 2008
February 2008
March 2008

Membership Form


BIONet Pilipinas is published monthly by the Biotechnology Information and Organization Network
in cooperation with the Biotechnology for Life Media and Advocacy Resource Center with editorial offices at The Advocacy House, No. 8 Scout Chuatoco St., Roxas District, Quezon City.
Telefax (02) 4137293 and (02)3728560. Editors: Nanet Tanyag, Enrimand Dejeto and June Rodriguez.
Email address:
bionetpilipinas@gmail.com. Website:
www. biotechforlife.com.ph