|
||
|
April 2008 |
||
|
. |
||
|
Bukas na isip sa pagsulong ng biotek
Mayaman sa ideya ang mga magsasaka. Sa katunayan, hindi sila nauubusan ng tanong kung papaano nila mas mapagbubuti ang kanilang ani at kung anu-anong produkto ang maari pa nilang gawin mula sa kanilang mga sakahan. Kung pakikinggan ang mga tanong ng mga magsasaka, malinaw na bukas ang isip nila sa pagbabago. Sa nakaraang dalawang araw na seminar sa Dipolog, Zamboanga del Norte nitong Abril, masaya akong nakisalamuha sa mga magsasaka ng Zamboanga Peninsula. Ibinahagi ko sa kanila ang kabutihang dulot ng makabagong teknolohiya sa pamamagitan ng biotek para mapagyaman ang kanilang mga ani. At tulad ng akin na ring inasahan, kung bitbit mo ang tamang impormasyon at malinaw na pagpapalinawag, hindi malayong maunawaan ito ng mga karaniwang tao tulad na lang ng mga magsasaka. Sa aking pagbisita sa Zamboanga Peninsula, namulat ako sa likas na yaman ng lalawigan. Kahit saan ka mapatingin, may mga puno ng niyog at may mga lupang sakahan. Kaya’t malakas ang loob ng Department of Agriculture-Biotechnology Program Office (DA-BPO) na isulong ang biotek sa rehiyon dahil na rin sa angking yaman ng lugar. Sa tulong ng biotek, mas mapagyayaman pa ang lugar na ito na nasa puso ng Mindanao. Ang merkado ng biotek ay nasa natural ingredients, mga natural na produktong kayang-kayang itanim at anihin ng mga magsasaka natin. Tulad na lang ng power gulay na malunggay, mula sa mga dahon nito may pagkain na para sa gutom na sikmura. Kung ibebenta naman ang buto nito, maari itong pagkunan ng Moringa oil na alternatibong biodiesel na rin. Patuloy ang pagsasaliksik ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno na kabahagi sa biotek kung paano pa makabubuo ng mga makabagong produkto mula sa mga natural na sangkap. Ang mga pagsasaliksik na ito ay tiyak na may patutunguhan dahil bukas ang isip ng mga magsasaka sa pagbabago. Sa panahon ngayon kung kailan kaliwa’t kanan ang pangamba ng krisis sa pagkain, mahalagang ang ordinaryong magsasaka ang pagtuunan ng pansin. At sa biotek, ang magsasaka ang unang nakikinabang. Kapag bumuti ang ani, ang bulsa rin ng magsasaka ang nabubusog. At kung puno ang kanyang bulsa, may pambili siya ng makakain ng kanyang pamilya. Ang biotek, walang duda, ang sagot sa problema sa kahirapan sa bansa. Pero nauunawan ko ang takot ng ilan pagdating sa biotek. Mali kasi ang persepsyon ng marami sa mga GMO o genetically modified organism. Kaya’t hindi napapagod ang inyong DA-BPO sa pagsasagawa ng mga seminar para sa mga magsasaka para maipamahagi ang tamang impormasyon tungkol dito. Sa Zamboanga Peninsula, pangunahing isipin ng mga magsasaka ang mataas na presyo ng fertilizer. May sagot ang biotek dito, mga biofertilizer na puwedeng makabawas mula ¼ hanggang ½ sa inorganic fertilizer na ginagamit bawat ektarya. Kung pagbubuhusan ng pondo at panahon ang pagde-develop ng mga ibang variety ng niyog at mais sa tulong ng biotek, hindi na problema ng mga magsasaka ang mahal na fertilizer. Maari ngang hindi na rin gumamit ng mga pestisidyo dahil wala ng panganib ng pag-atake ng mga peste sa inyong mga tanim. Handa ang biotek na suungin ang mas mahihirap pang pagsubok para palaganapin ito sa buong bansa. Hindi titigil ang DA-BPO para maipamahagi sa lahat ng magsasaka sa buong bansa ang kahalagahan ng biotek. Pangarap kasi ng DA-BPO na sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya, lahat lalo na ang karaniwang magsasaka ang siyang unang makinabang at umunlad. Alicia Ilaga is the Director of the DA Biotechnology Program Office (BPO) and is also the Vice-President for Luzon of BIONet. |
Biotek tulong sa pagresolba sa mahigpit na supply ng bigas
Rehistrasyon sa SEC Moringa oil pagkain na biodiesel pa 10 biotek entrepreneurs kinilala ng Go Negosyo BIONet-Zamboanga Peninsula handa sa biotek Golden Rice susugpuin ang pagkabulag Coco-sugar: asukal mula sa tuba Editorial Columns Dr. Gaudencio C. Petalcorin, Jr. Alicia Ilaga Archives |
|
|
|
||
|
BIONet
Pilipinas
is published monthly by the Biotechnology Information and Organization
Network in cooperation with the Biotechnology for Life Media and Advocacy Resource Center with editorial offices at The Advocacy House, No. 8 Scout Chuatoco St., Roxas District, Quezon City. Telefax (02) 4137293 and (02)3728560. Editors: Nanet Tanyag, Enrimand Dejeto and June Rodriguez. Email address: bionetpilipinas@gmail.com. Website: www. biotechforlife.com.ph |
||
|
|
||