|
||
|
April 2008 |
||
|
. |
||
|
Editorial Biotek sa pagsasaka SA bayan ng Bayog sa Zamboanga del Norte, siyam lang sa 400 nagtapos sa St. Joseph College at Mindanao State University ang kumuha ng BS Agriculture. Karamihan sa kanila, piniling maging nurse o kaya’y maging ahente sa call center. Taon-taon, ang Kagawaran ng Edukasyon ang ginagawaran ng pamahalaan ng pinakamalaking pondo. Malaki ang ipinupuhunan ng pamahalaan sa edukasyon dahil sa paglilinang ng kaisipan lamang maaring sumulong ang isang bayan. Para sa isang agrikultural na bansang tulad ng Pilipinas, nakalulungkot malaman na paunti nang paunti ang mga nagnanais na maging magsasaka. Sa dami ng lupang maaring pagtaniman, at sa dami ng produktong maaring makuha sa pagsasaka, hindi ba’t marapat lang na pagtuunan ng pansin ang paghubog ng mga panibagong magsasaka na armado ng makabagong teknolohiya? Ninanais ng pamahalaan na payabungin ang agrikultura. Katunayan, napapaloob ang adhikaing ito sa Agriculture and Fisheries Modernization Act (AFMA), isang batas na layong pag-ibayuhin ang mga pamamaraan ng pagsasaka at pangingisda sa tulong ng mga makabagong teknolohiya. Layon ng AFMA na maiangat hindi lamang ang ani ng mga magsasaka o ang napangingisda sa dagat, kundi ang mapagbuti ang kalidad ng mga produkto at mapabuti ang kabuhayan ng mga ordinaryong magsasaka at mangingisdang Pilipino. Isang pamamaraan sa pagpapaunlad ng agrikultura ang biotek. Sa pamamagitan ng bioteknolohiya, natututunan ng mga magsasaka ang mga paraan kung paano pataasin ang kanilang ani, kung ano pa ang puwede nilang gawin upang mas maging mabenta sa merkado ang kanilang mga produkto. Ang mga institusyon tulad ng Department of Agriculture-Biotechnology Program Office (DA-BPO) ay tuloy-tuloy ang pagsasagawa ng mga seminar at forum para maibahagi sa mga magsasaka ang benepisyo ng bioteknolohiya. Labindalawa sa 16 na rehiyon sa bansa ang naikot na ng DA-BPO sa tulong ng iba pang institusyon sa bansa sa pagpapalaganap ng kabutihang hatid ng biotek. Mahigit 40 porsyento na rin ng mga munisipalidad sa bansa ang nakibahagi na sa BIONet, ang organisasyong nakatutok sa pagbibigay ng impormasyon at nagsisilbing tulay ng mga magsasaka sa merkado. Pero kasabay ng pag-usad ng biotek, dapat na pagtulungan din ng lahat ng sektor ng lipunan na makapamuhunan ng malaki sa edukasyon. Dumating na ang panahon kung kailan dapat maunawaan na ang pagsasaka ay hindi isang trabahong pang-bukid lang. Panahon nang mamulat ang publiko na ang pagsasaka sa tulong ng biotek ay maaring makapag-angat sa buhay ng karaniwang tao. |
Biotek tulong sa pagresolba sa mahigpit na supply ng bigas
Rehistrasyon sa SEC Moringa oil pagkain na biodiesel pa 10 biotek entrepreneurs kinilala ng Go Negosyo BIONet-Zamboanga Peninsula handa sa biotek Golden Rice susugpuin ang pagkabulag Coco-sugar: asukal mula sa tuba Editorial Biotek sa pagsasaka Columns Dr. Gaudencio C. Petalcorin, Jr. Archives |
|
|
|
||
|
BIONet
Pilipinas
is published monthly by the Biotechnology Information and Organization
Network in cooperation with the Biotechnology for Life Media and Advocacy Resource Center with editorial offices at The Advocacy House, No. 8 Scout Chuatoco St., Roxas District, Quezon City. Telefax (02) 4137293 and (02)3728560. Editors: Nanet Tanyag, Enrimand Dejeto and June Rodriguez. Email address: bionetpilipinas@gmail.com. Website: www. biotechforlife.com.ph |
||
|
|
||