|
||
|
2009 / Blg. 1 |
||
|
. |
||
|
2009 National Biotech Week pinaghahandaan Tinutukoy ng slogan ng 2009 National Biotechnology Week (NBW) na OK ang 5K sa Biotech! ang limang Pinoy biotechnology targets bilang suporta sa mga pangunahing soci-economic goals ng pamahalaan. Ang mga ito ay ang Kalikasan, Kalusugan, Kagandahan, Kabuhayan at Kaunlaran. Ang mga bagong breakthroughs sa teknolohiya ay nagbigay-daan sa paggamit ng potensyal ng biotech para sa pambansang kaunlaran, at ang mga inobasyon at aplikasyong ito ay matutunghayan ng madla bago pa man idaos ang NBW. Idaraos ang NBW mula Nobyembre 22-29, 2009 sa Science Discovery Center, SM Mall of Asia, Pasay City, alinsunod sa Proclamation 1414 ng pangulo na inisyu noong ika-9 ng Nobyembre 2007 na nagtatakda sa huling linggo ng Nobyembre bawat taon bilang National Biotechnology Week.
Pitong departmento ang naatasang magbalangkas at magpatupad ng programa ng mga aktibidad bago at habang idinaraos ang NBW. Ang mga ito ay ang Department of Science and Technology (DOST), Department of Agriculture (DA), Department of Health (DOH), Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Education (DepEd) at Department of Trade and Industry (DTI).
Kada taon ang komite ng NBW ay
pinamumu- Ang mga mamumuno sa selebrasyon ng NBW ngayong taon ay sina Secretary Estrella F. Alabastro ng DOST at Secretary Arthur C. Yap ng DA. Ang iba pang kagawaran ay regular na nagpupulong upang maplantsa ang mga gagawin sa pagdiriwang. Ang Department of Agriculture-Biotechnology Program Office (DA-BPO), at mga kasama nito gaya ang Biotechnology Coalition of the Philippines (BCP), Biotechnology Information and Organization Network (BIONet) Pilipinas at ang Biotechnology for Life Media and Advocacy Resource Center (BMARC) ay nagdaraos na ng gawain mula pa noong unang bahagi ng taong kasalukuyan patungo sa pagdaraos ng NBW sa Nobyembre. Noong Hunyo 2, isang seminar ang inorganisa ng BCP sa Negros Occidental bunsod ng Provincial Ordinance No. 007, Series of 2007, na nagbabawal sa paggamit ng mga genetically modified organisms (GMOs). Sa naturang pulong, ipinaliwanag ni Dr. Saturnina Halos, pangunahing biotechnology adviser ng DA ang kahalagahan ng GMOs, partikular ang genetically modified feed corn na itinatanim sa halos 400,000 ektarya ng tinatayang 100,000 magsasaka. Noong Hunyo 27, isang presentasyon hinggil sa Natural Ingredients Study ang idinaos ng Chamber of Herbal Industries of the Philippines, Inc. (CHIPI) at Hybridigm. Ang CHIPI ay isang pambansang organisasyon ng mga kumpanya na nakikilahok sa pananaliksik, pagpapaunlad, pagsasaka, paggawa, pagbebenta at distribusyon ng ng mga natural, herbal at iba pang alternatibong produkto para sa pangangalaga sa sarili, medisina at pag-suplementa sa pagkain. Ang Hybridigm ay isang consulting firm na kaakibat ng DA-BPO sa paggawa ng “relevant, objective and comprehensive” na ulat sa natural ingredients. Sa buwan ng Hulyo idinaos ang “Towards a Harmonized DA-Biotechnology Program,” isang mid-year project assessment at pagpaplano para sa 2009 NBW. |
2009 National
Biotech abaca umaangat sa Mindanao Pagpapalaganap ng edukasyon sa bioteknolohiya inilunsad sa Batac BT corn, GM crops lamang sa tradisyunal na pananim, ayon sa mga dalubhasa Pagsasanay sa pagtatanim ng malunggay sa Tarlac, tagumpay Editorial Columns |
|
|
|
||
|
Ang BIONet Pilipinas ay buwanang inilalathala ng Biotechnology Information and Organization Network sa pakikipagtulungan ng Biotechnology for Life Media and Advocacy Resource Center. Ang tanggapan ng patnugutan nito ay
nasa The Advocacy House, na matatagpuan sa No. 8 Scout Chuatoco
St., Roxas District, |
||
|
|
||